^

PSN Showbiz

Ice at Liza, magkaiba ng ‘style!’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Lalong naging solid ang relasyon ng mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño ngayong magkasama nilang binubuo ang kumpanya nilang Fire and Ice Media Productions, Inc.

Ang first production nila ay ang concert ni Ice na Beco­ming Ice sa Oct. 15, sa The Theatre at Solaire.

Nakakatuwa raw ang partnership nila pagdating sa kumpanya nila dahil magkaiba sila ng istilo sa trabaho.

Dahil siguro sa matagal na trabaho ni Liza sa FDCP, sobrang organized daw ito kesa sa kanya.

“Siya talaga very organized. Meron pa siyang mga app na dina-download para sa organization. Ako naman, Diyos ko kabaligtaran,” bulalas ni Ice nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Lunes.

“Ako kasi nasa utak ko lang lahat, tapos I write it down. Ang maganda naman kay Liza, talagang dapat nakikita niya kasi very visual s’yang tao. Dapat ito ‘yung one, ito ‘yung two, ito ‘yung three ganyan, which is very good for a production. Sobrang na-appreciate ko.

“Ang galing din kasi si Liza, grabe siya mag-visioning. So, nakikita niya ‘yung vision, ako naman nakikita ko na ah okay kung papano ko ma-execute ‘yung vision na ‘yun.

“So, nakakatuwa lang kasi, we worked well together dagdag niyang pahayag.”

Sa rami ng pinag-uusapan namin ni Ice sa aming radio program, hini­ngan namin siya ng opinyon sa matagal nang pinag-uusapang civil union sa mga LGBTQIA couple.

Noon pa man ay naging resource person pa raw si Ice sa ilang hearing sa Kongreso para pag-usapan ang civil union sa mga LGBTQIA couple.

Sabi ni Ice, kahit ano man daw ang tawag dun, kailangang mabigyan daw ng patas na karapatan ang mga mag-asawang LGBTQIA na kagaya nila ni Liza.

“As long as there is a law that protects families and couples na LGBT, kahit ano pang itawag n’yo diyan, wala akong paki. Ang importante ang proteksyon na nakapaloob dito.

“So, that’s what we need to look out for. Kung ano ‘yung nasa loob ng panukalang batas na ito.

“For civil union, I think I remember when they had that conversation sa house, I was still in the government. I was invited.

“I think the most important ones naman were covered. Like property, of course ‘yung ma-recogize kami as partners, adoption, tapos ‘yung right ng ano in terms of taxes. Sa hospital, kapag na-hospital ako, si Liza ang may karapatan to decide for me. Those things.

“’Yun ‘yung mga major things that matters e.

“Ako para sa akin, whether it’s same sex union, civil union, semantics na lang ‘yun. I don’t really care.

“As long as there is a protection for LGBT families, kahit ano pang itawag mo diyan,” saad ni Ice.

Miggy, Cedric at Paolo, tumodo sa hubaran at laplapan

Ngayong araw na mag-streaming sa Vivamax ang pelikulang Two and One na production ng Ideafirst at dinirek ni Ivan Andrew Payawal.

Bida rito sina Miggy Jimenez, Cedric Juan at Paolo Pangilinan na talagang walang patumanggang laplapan silang tatlo.

Wala si Paolo sa nakaraang press preview na ginanap sa Gateway Cinema nung nakaraang Lunes, kaya ang co-actors na lang niyang sina Cedric at Miggy ang sumagot kung paano nila nagawa ang love scenes sa pelikulang ito.

Sangkatutak ang hubaran at laplapan nilang tatlo.

Wala silang inhibitions sa mga eksenang ginawa nila kaya kahit mahirap kunan ang mga eksena, napapagaan dahil walang kiyeme ang mga artistang gumanap.

Kasama pa nga ni Cedric nung nanood ang girlfriend niya na naintindihan naman daw nito pati ang pamilya niya ang ganun ka-daring na mga eksena.

“As an artist, alam po namin ‘yung role namin sa society. So kung tutuusin, hindi siya about sa akin.

“About po siya sa nire-represent ni Cedrick kay Joaquin sa society. Para mas mag-generate po siya ng mga questions ng mga tao.

“So in-explain ko po sa kanya. Kung tutuusin po, siya pa ang ka-throw lines ko.

“Sa process po, simula nag-start and during fil­ming it, wala po siyang limitations sa akin.

“Kasi, nandun po ang tiwala niya sa akin not to overdo everything and nandun din po ‘yung gui­dance, and may tiwala po talaga sa set.”

Kahit si Miggy Jimenez na dating host sa children’s show na Tropang Pochi, isinama pa ang Mommy niya, pero nagpasabi na itong hindi raw tatapusin ang pelikula.

Maaaring hindi pa niya ma-take ang ginagawa ng anak sa pelikulang ‘yun, pero naintindihan niya ang trabaho ni Miggy bilang aktor.

“Kasi she wasn’t really ready and I understand. I do understand. I can feel the support and how proud she is.

“But yeah again, I have to respect and when she’s ready, I’ll make her watch it. I’ll watch it with her,” sabi naman ni Miggy.

LIZA DIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with