^

PSN Showbiz

FDCP, tutol sa mandatory drug testing sa mga artista

BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
FDCP, tutol sa mandatory drug testing sa mga artista
Tirso
STAR/ File

Mabilis na tinutulan ng Film Develop­ment Council of the Philippines na pinamumunuan ng actor na si Tirso Cruz III ang panukala ni Congressman Ace Barbers na gawing mandatory para sa lahat ng artista ang pagsailalim sa mandatory drug test. Sinabi pa ng congressman na kailangang manguna ang networks sa pagpapatupad noon, at ang sino mang artista na tumangging sumailalim sa mandatory drug testing ay hindi dapat bigyan ng projects.

Ang stand ni Congressman Barbers ay matapos lamang na mahuli si Dominic Roco sa isang buy-bust operation sa Quezon City kung saan nahulihan sila ng hinihinalang 15 gramo ng shabu, at 10 gramo ng hinihinalang marijuana.

Parang overreaction naman ito, dahil bakit hindi sila humingi ng mandatory drug testing din laban sa mga abogado, mga pulitiko, at iba pang professional na nasangkot din sa droga. Bakit artista lang?

Tama rin naman ang pagtutol ng FDCP. Hindi lang kasi maaaring labagin ng mandatory drug testing sa mga artista ang kanilang human rights, iyan ay makasisira sa image ng mga artista, at kung mangyayari iyon lalong babagsak ang industriya ng pelikula na pinagkukunan din naman ng gobyerno ng malaking tax. Ang industriya ng pelikula, bukod sa 35% kita sa mga sinehan na kinukuha na ng gobyerno, kung kukuwentahin ang taxes mula sa kita ng mga artista, raw materials na ginagamit sa pelikula, at iba pang kaugnay na serbisyo gaya ng kuryente na ginagamit ng mga sinehan, at pinagkukunan ng kabuhayan nang mahigit na 25K pamilyang Pilipino, ay hahayaan ba nating masira dahil may isa lamang nahuli sa buy bust?

Heart, ‘di pa iiwan ang ‘pinas?!

“Hindi ako magma-migrate sa Paris, marami pa rin akong trabaho na kailangang gawin sa Pilipinas,” halos ganyan ang statement ni Heart Evangelista matapos siyang tanungin kung ang pagkuha niya ng apartment sa Paris at pamimili ng mga kasangkapan doon ay magtatagal na siya roon at titira.

Nauna riyan, sinabi na rin naman ni Heart na kaya gusto niyang magkaroon ng bahay o kahit apartment sa Paris ay dahil napapadalas na siya roon dahil sa kanyang trabaho bilang isang modelo, at masyadong malaki ang kanyang gastos sa hotels, o kaya ay bayad sa eroplano dahil pabalik-balik siya roon at sa Pilipinas. Kung may titirahan nga naman siya roon, at may magkakasunod na projects na puro doon, practical ang may sarili na siyang bahay doon.

Singer na nabulag sa kasikatan noon, laos na ngayon

Naglalasing, nagwawala ang isang female singer dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na biglang nalaos siya. Pero hindi ba kasalanan niya kaya nangyari iyon?

Nasira ang maganda niyang boses simula noong uminom siya ng hormones para maging boses lalaki. Ipinaayos niya ang kanyang katawan para mas magmukha siyang lalaki. Eh nagustuhan siya ng fans pati na ang boses niya noong siya ay babae pa. Magtataka ba siya at nalaos siya?

Kasalanan niya iyan eh, hindi siya nakinig sa magulang niya. Masyado siyang nabulag ng kasikatan niya noon.

ACE BARBERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with