^

PSN Showbiz

Goma, may panawagan din ng drug testing sa ibang industriya

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Goma, may panawagan din ng drug testing sa ibang industriya
Goma
STAR/ File

Nabuhay muli ang panawagan ng ilang mambabatas na sumailalim sa mandatory drug test ang mga artista at manggagawa sa movies at TV.

Eh dahil sa pagkakahuli sa aktor na si Dominic Roco sa isang buy-bust operation, hayun at umeksena na naman ang ilang mambabatas.

Dumepensa sa panawagang ito ang senador na si Robin Padilla. Labag ito sa human rights kung puwersahang sasailalim sa drug test ang rason niya.

Eh si Congressman Richard Gomez, inihayag naman na hindi dapat sa isang sector lang ipatupad ang mandatory drug testing. Isama raw ang lahat ng ibang sector.

Kung hindi natiklo si Roco, tahimik na sana ang isyung mandatory drug testing sa mga artista at movie workers, huh!

Reunion concert ng Eraserheads, mahal ang presyuhan ng ticket

Kayanin kaya ng Eraserheads fans ang presyo ng mga ticket sa reunion concert ng banda?

Sa inilabas sa social media sa presyo ng tickets sa concert, almost P20K ang presyo ng pinakamahal na ticket! Ang pinakamura naman ay P3K plus ang presyo.

Milyon ba ang bayad sa banda at kasama pati na sa magagastos sa concert kaya ganoon kalaki ang presyo ng tickets?

Naku, G kayo kung may pera na! Pero kung nagtitipid kahit sa pinakamurang presyo, makinig na lang kayo ng kanilang albums, ‘no?

DOMINIC ROCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with