^

PSN Showbiz

Dominic Roco nasayang, timbog sa buy-bust operation

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot mabasa sa news report ang mga artistang sangkot sa krimen gaya nitong aktor na si Dominic Roco, anak ng beteranong aktor na si Bembol Roco.

Ayon sa reports kahapon, timbog si Dominic at apat pang iba sa ginawang buy-bust operation sa isang subdivision sa barangay sa Quezon City.

Tulad ng ama, magaling na artista si Dominic pati ang kakambal niyang si Felix Roco. ‘Yun nga lang, mailap ang suwerte sa kanila sa showbiz. Eh ang ama nila, aktibo pa rin sa pag-arte na huling napanood sa GMA adventure-serye na Lolong.

Ang isa pang balitang involved ang isang artista ay si Vhong Navarro. Denied ang motion na inihain nila na manatali ang detention niya sa NBI sa kasong isinampa ni Deniece Cornejo.

Ang malipat sa Taguig City Jail ang naging desisyon ng korteng humahawak sa kaso niya.

Dumating na ang kinatatakutan ng asawa niyang si Tanya Navarro.

Ruru at Bianca, magtatambal sa Season 2 ng Lolong?!

Nagtapos na kagabi ang season 1 ng most-watched TV show this 2022 na Lolong.

Naglutangan agad na magkakaroon ito ng season 2, huh! Wala pa namang detalye ang GMA kaugnay ng season 2.

Naku, ngayong lantad na ang relasyon nina Ruru Madrid at Bianca Umali, lalong panalo ang bagong season na ito dahil true to life loveteam na ang mapapanood nila! Tutal naman, wala kaming balita na may bagong TV show sa Kapuso si Bianca, huh!

Eh si Shaira Diaz na kapareha ni Ruru sa unang season.

Fantasy naman ang series kaya madali na itong gawan ng paraan upang pumasok sa eksena si Bianca, huh!

vuukle comment

DOMINIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with