Coco, Park Seo Joon, Gong Yoo at Jackie Chan, bibida ngayong halloween
Magsisimula na ang selebrasyon ng Halloween sa Cinema One sa pagtatampok nito ng mga horror at action-fantasy movies mula kina Coco Martin, Park Seo Joon, Goo Yoo, at Jackie Chan sa buong buwan ng October.
Bibida ang Hallyu star na si Park Seo Joon bilang MMA fighter sa South Korean film na The Divine Fury na ida-dub sa Filipino. Dito, magiging palaisipan ang misteryosong sugat na lilitaw sa kanyang mga kamay na maghahatid sa kanya para labanan ang kababalaghan na nagnanais maghasik ng lagim sa mundo.
Sa Ang Panday, ginagampanan ni Coco Martin ang apo ng orihinal na Panday na biglang mapapasabak sa matinding laban sa pagkadiskubre niya na nasa dugo niya ang responsibilidad na iligtas ang kapwa laban sa kasamaan.
Mapapanood naman ang Hong Kong-born Chinese actor na si Jackie Chan sa The Knight of Shadows bilang legendary demon hunter na iimbestigahan ang misteryosong pagkawala ng mga batang babae sa isang village.
Tuluy-tuloy ang takot at kaba na hatid ng blockbuster hit na Train to Busan kung saan ginagampanan ng Hallyu actor na si Gong Yoo ang isang ama na kasama ang kanyang anak na babae at ibang mga pasahero sa tren habang may zombie outbreak sa South Korea.
Panoorin ang The Divine Fury sa Oktubre 2, Ang Panday sa Oktubre 9, The Knight of Shadows sa Oktubre 23, at Train To Busan sa Oktubre 30 sa Blockbuster Sunday block ng Cinema One tuwing Linggo, 7 p.m.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal Ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Cinema One sa Facebook, Twitter, TikTok, YouTube, at Instagram.
Nag-retire na SVP ng GMA, isa sa jury members ng Emmy Awards
Ang GMA Network Consultant for News and Public Affairs na si Marissa L. Flores ay isa sa napiling jury members sa 2022 International Emmy Awards.
Si Flores, na kareretiro lamang bilang Senior Vice President ng GMA News and Public Affairs, ay naimbitahan bilang isa sa Final Round jurors upang suriin ang entries ngayong taon sa ilalim ng News category.
In-announce naman ang winners noong Sept. 28 sa 2022 International Emmy Awards Presentation.
Sa mahigit tatlong dekada nito sa GMA, nagbigay ito ng karangalan sa bansa mula sa international award-giving bodies na the Peabody Awards, New York Festival, US International Film & Video Festival, and the Asian Academy Creative Awards, at iba pa.
Hindi rin ito ang unang beses na naimbitahan si Flores bilang juror sa International Emmy Awards dahil naging parte ito ng jury noong 2004, 2005, 2008, 2020, and in 2021.
- Latest