^

PSN Showbiz

Raimund Marasigan nagsalita ukol sa 'abuse' allegations vs ka-Eraserheads Marcus Adoro

James Relativo - Philstar.com
Raimund Marasigan nagsalita ukol sa  'abuse' allegations vs ka-Eraserheads Marcus Adoro
Kuha kay Raimund Marasigan habang naggigitara. Kilala rin siya bilang drummer ng Eraserheads at bokalista ng Sandwich.
Mula sa Instagram account ni Raimund Marasigan

MANILA, Philippines —  Nagbigay ng kanyang saloobin ang drummer ng Eraserheads na si Raimund Marasigan (bokalista rin ng Sandwich) patungkol sa kontrobersiyang kinapapalooban ng gitarista nilang si Marcus Adoro ilang buwan bago ang kanilang reunion concert.

Nagsalita uli kasi nitong Lunes ang anak at dating karelasyon ni Adoro na sina Syd Hartha at Barbara Ruaro patungkol sa diumano'y "pambubugbog" ng OPM legend, ilang oras ianunsyo ang comeback gig ng banda sa ika-22 ng Disyembre.

"I hope the issue between the parties gets resolved soon," wika ni Raimund sa isang panayam ng bandwagon.asia na inilathala, Martes.

"I really want to respect the privacy of those involved, and sincerely hope they all find peace of heart and mind."

Trending ang naturang isyu nitong mga nagdaang araw habang humihingi ang ilang music fans at netizens ng paliwanag mula kina Raimund, Ely Buendia at Buddy Zabala kung bakit pumayag muling magtanghal kasama si Adoro sa kabila ng mga seryosong alegasyon.

Setyembre 2019 lang nang magsalita noon si Syd patungkol sa "pang-aabuso" noon ni Marcus, kabilang na riyan ang pang-uumpog daw sa kanyang ulo sa pader kahit kaharap ang kanyang mga kaibigan.

Noong buwan ding iyon nang ibahagi ni Barbara ang ilang litrato kung saan punong-puno siya ng pasa. Aniya, domestic violence daw ito na ginawa sa kanya ng taong mahal niya. 

 

Una nang iminungkahi ng ilang fans na pwede namang mag-reunion ang Eraserheads, na itinuturing na isa sa pinakamalaking bansa sa Pilipinas noong '90s, kahit wala si Marcus.

Ang ilan pa nga sa mga kritiko online ang nagsasabing pagiging "enabler" ang katahimikan ng iba pang mga miyembro ng banda sa kabila ng isyu.

"If you're my friend, seek me out we can talk about it privately," wika pa ni Raimund sa panayam.

"Publicly on social media, any statement can be misconstrued. Nobody wins."

Kilalang "hindi close" ang mga miyembro ng Eraserheads, bagay na matagal na nilang inaamin sa mga interviews.

Wika pa ng Sandwich frontman, "awkward" sila kapag magkakasamang apat at hindi nag-uusap. Lumalayo pa nga raw sila sa isa't isa. Tanging kay Buddy lang daw siya hindi nagkakaroon ng problema lalo na't nagkikita sila linggo-linggo.

Maliban sa E-Heads, nakahanap din si "Raims" ng kasikatan sa Sandwich sa pamamagitan ng mga indie-alternative rock hits ng "Sugod," "Betamax," Two Trick Pony," "Nahuhulog," "Kagulo," atbp.

ABUSE

DOMESTIC VIOLENCE

ERASERHEADS

MARCUS ADORO

ORIGINAL PILIPINO MUSIC

RAYMUND MARASIGAN

SANDWICH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with