^

PSN Showbiz

Matapos maloko ng P7M, K Brosas, nakalipat na sa bagong bahay

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos maloko ng P7M, K Brosas, nakalipat na sa bagong bahay

Finally, nakalipat na pala si K Brosas sa kanyang sariling bahay.

Masalimuot ang naging karanasan ni K bago natapos ang kanyang bahay.

Niloko siya ng unang contractor na pinagkatiwalaan niya kung saan niya ginastos ang mga naipon niya sa showbiz.

Idinemanda pa niya ang nasabing contractor na tumangay nga raw sa kanya ng P7 million.

Umiiyak pa siya noon nang ma-interview namin, same time last year.

Pero ngayon pulos bahay niya ang laman ng kanyang Instagram account.

“Sensya na kung puro balur ko mga posts ko hehe.. sobrang tagal kasi hinintay ko, ang daming pinagdaanan pero salamat Lord natapos din. at last mukhang bahay na talaga hindi bodega hehe.. yung room ko na lang magulo.. thanks,” aniya sa isang post.

Vhong, walang planong atrasan ni Deniece Cornejo!

“Magtiwala ka lang sa Diyos,” ang mga mensahe ng fans ni Vhong Navarro sa kanyang medyo lumang IG post.

Kahapon nga ay sumuko si Vhong sa NBI matapos na maglabas ng warrant of arrest ang Taguig Metropolitan Trial Court kaugnay sa kaso niyang Acts of Lasciviousness na isinampa sa kanya ni ­Denice Cornejo na muling nabuhay kamakailan lang.

Laya naman ang komedyante sa piyansang P36,000.

Pero ayon nga sa isa sa mga abogado ni Deniece na si Atty. Ferdie Topacio, walang ka-plano-plano ang kliyente niyang iurong ang demanda sa komedyante : “well, I do not know, but as of now, based on my latest conversation with her over the phone, she’s determined to see this thing through.”

vuukle comment

K BROSAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with