^

PSN Showbiz

Kim at Xian, inuudyukang manood ng sine ang mga tao!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim at Xian, inuudyukang manood ng sine ang mga tao!
Xian at Kian
STAR/ File

Masayang-masaya si Kim Chiu dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napayagang gumawa ng pelikula sa Viva Films. Magbibida sina Kim at Xian Lim sa Always na Pinoy adaptation ng hit Korean film. Ipalalabas ito sa mga sinehan simula Sept. 28. “Ako, very thankful and this is my movie under Viva Films. Finally napayagan akong gumawa outside ABS-CBN. Then nabigyan ako ng Korean adaptation movie with Xian pa,” nakangiting bungad ni Kim.

Matatandaang 2015 pa huling nagkatambal sa pelikulang All You Need is Pag-Ibig ang magkasintahan. Aminado si Kim na nakararamdam ng kaba ngayong muling mapapanood sa sinehan ang kanilang reunion movie. “At first parang sabihin namin nang paulit-ulit na, ‘In cinemas nationwide.’ Parang nakaka-miss sabihin kasi ang tagal din na hindi nagkaroon ng movie sa sine. This is also one of the biggest challenges na haharapin namin ni Xian aside from our comeback is ‘yung comeback namin ‘yung mga tao na panoorin ang local movies sa sinehan. Sana this time maudyok namin ‘yung mga tao to go to the movies and watch our movie on the big screen,” paliwanag ng aktres.

Ayon kay Kim ay talagang malaki na ang pagkakaiba ng kanilang bagong pelikula ni Xian kumpara sa kanilang mga nagawa noon. Nagpapasalamat din ang aktres sa lahat ng mga tagahanga ng tambalang KimXi na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga proyekto. “’Yung mga fans na sumusuporta din sa amin, it’s our regalo rin para sa kanila for being there na nakasuporta pa rin sa amin. Parang feeling ko tumanda kami sa mata nila. Parang kasabay ng pelikulang ito, parang tumanda din ‘yung pelikula, more mature. Parang we grow old together. ‘Yung mga fans namin, we grow old together from Bakit Di Ka Crush ng Crush Mo (2013), Bride for Rent (2014). After eight years, lumaki na tayo together. Sana dito ay maasahan namin ang suporta nila then sana madagdagan pa ‘yung mga taong magmamahal sa amin ni Xian,” pagtatapos ng dalaga.

Beauty, gustong maging negosyante

Nagsimulang makilala si Beauty Gonzalez bilang isang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus noong 2008. Mula noon ay marami nang nagawang teleserye at pelikula ang aktres. Ngayon ay nagpaplano na raw si Beauty na magretiro mula sa pagiging isang artista. “Yeah! Inaway nga ako ng husband ko. ‘Ang yabang-yabang mo, six years ang sinasabi mo diyan!’ well, six years from now. Siyempre marami na akong nagawang projects hopefully na magaganda. Gusto kong mag-retire but kung meron mang magandang project na I cannot resist, who am I to say no if maganda talaga?” nakangiting pagbabahagi ni Beauty.

Para kay Beauty ay mas mabuti nang talikuran ang show business habang kilala pa siya ng mga manonood. “I would really want to retire loved and beautiful and while I’m still up there. Ayokong umalis ako na parang hindi na maganda. Gusto ko ‘pag nakatalikod ako, masaya pa rin ako. I don’t want to retire when I’m feeling and going down,” giit niya.

Nangangarap si Beauty na magkaroon ng sariling negosyo kung sakali mang titigil na sa pagtatrabaho bilang aktres.

“Maging businesswoman, take care of my husband, my family, and continue what I love. I love arts. Maybe I’ll have an art gallery someday,” paglalahad ng aktres.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with