^

PSN Showbiz

Dolphy, hindi napa­litan sa pagiging comedy king!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Dolphy, hindi napa­litan sa pagiging comedy king!
Dolphy.

May nagsasabing kaya nanahimik si Herbert Bautista, ilang buwan matapos ang eleksiyon matapos siyang matalo sa pagse-senador ay dahil bibigyan naman siya ng posis­yon sa gobyerno matapos ang isang taong restriction sa pagtatalaga sa mga kandidatong hindi sinuwerte sa eleksiyon.

Pero kung kami ang tatanungin, ang paniwala namin mas magiging ok kung aasikasuhin niya ang kanyang career bilang actor.

Sa ngayon wala kang masasabing malaking pangalan talaga sa comedy. Iyong mga sikat na comedians ngayon, nababad na rin sa TV, at aminin natin na hindi na rin masyadong kinakagat sa mga pelikula.

Wala naman talagang nakapalit sa kalibre nina Mang Dolphy at Chiquito, at kung pag-aaralan ninyong mabuti, sina Mang Dolphy at Chiquito ang namayani noon sa pelikula.

Wala pang nakasira sa record ni Chiquito na nakagawa ng 19 na pelikula sa loob ng isang taon, at lahat iyon ay kumita. Sa natatandaan din namin, sa buong panahon ng career ni Mang Dolphy, dalawang pelikula lang niya ang mahina sa takilya pero sa mga iyon naman ay nanalo siya ng acting awards.

Simula nang mawala ang mga kinikilalang hari ng komedya, wala talagang nakapalit. May sumikat pero hindi tumagal, kasi nga na-overexposed naman sa TV na siyang kalaban talaga ng pelikula

Sino pa nga ba ang magbabayad para mapanood ka sa sine, eh napapanood ka na nang libre sa TV.

AMBS, next year pa mararamdaman

Nagpamigay ng dalawang bahay at lupa si Willie Revillame. Na-interview ni Toni Gonzaga si Presidente BBM, na pinag-usapan sa social media at ginamit sa news ng ibang networks, pero liban doon, walang nakakagulat sa pagsisimula ng AMBS Channel 2. Wala pa kasi silang malalaking stars, at iyong stars na bida sa mga teleseryeng ilalabas nila ay hindi kanila.

Ang nakuha lang nila ay ang rights ng paglalabas ng mga teleserye, at wala silang maaasahan sa mga artista noon kundi mag-promote lang ng mga seryeng ila­labas nila. Iyong mga una nilang napapirmang artista, talagang support lang sa shows nila.

Hindi pa rin naman sila aarangkada sa news, dahil kukuha lang sila mula sa telecast ng CNN Philippines. Hindi pa sila nakakabuo ng news team. Wala pa silang tao sa news maliban kay Anthony Taberna.

Noong sumunod na araw, nang buksan namin sa Channel 35, pixelized pa ang kanilang signal. Nag-a-adjust pa nga siguro sila ng transmitter. Tama ang sinasabi ng marami. Mga Enero pa mararamdaman ang pasok ng AMBS.

Pagbabago ng kuwento at mga karakter, kinalituhan

May nagbulong sa amin, baka raw hanggang December na lang ang babaeng lumilipad. Masyado bang mahal ang aviation gas kaya mahirap nang lumipad?

Dahil sa pagpapalit nila ng kuwento at characters, medyo nalito ang mga tao, at akala nila iba na ang lumilipad. Dapat nga siguro itigil na kung ganoon, baka mapagkamalan pang lamok.

DOLPHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with