Controversial showbiz personality, naghahanap ng tirahan sa Amerika
Naku, Ateng Salve, may kuwentong nakarating sa amin na nagpapahanap ng Airbnb sa may Beverly Hills, California ang isang controversial showbiz personality.
Nasa Amerika ngayon si controversial showbiz personality at nasa ibang lugar siya ngayon, pero ang chika ng isang kakilala, naghahanap daw ang mga kaibigan nito ng magandang lugar sa Beverly Hills na puwedeng pag-stay-an ng kanilang kaibigan pagpunta nito sa lugar na ‘yon.
Doon na ba muna mag-i-stay si controversial showbiz personality habang may mga importanteng inaayos sa kanyang buhay?
Puwede!
Krista, mas prayoridad ang mga anak kesa sosyalan
Alam mo, Ateng Salve, kaya pala hindi masyadong visible sa mga event sa Los Angeles, California si Krista Ranillo ay dahil mas gustong tutukan ng dating aktres ang lima nilang anak ng kilalang businessman na si Niño Lim (owner ng Island Pacific, isang supermarket chain sa Amerika).
Sa event ng FACLA (The Filipino American of Los Angeles) last Monday ay nakachikahan namin ang nanay ni Krista na si Ms. Linda Ranillo.
Kinumusta ko sa kanya ang anak nila ng dating aktor na si Mat Ranillo III at busy raw ito sa mga anak.
Ikinuwento sa amin ng nanay ni Krista na ito mismo ang naghahatid at sumusundo sa mga anak sa pinapasukang school.
‘Yung bunso na lang daw ni Krista ang hindi pa nag-aaral. “Gusto rin ni Krista na gina-guide niya ang mga anak sa paggawa ng homeworks, kaya hindi na ‘yon nagdyu-join sa mga event. Gusto niya na siya mismo ang nag-aasikaso sa limang anak niya,” sey ni Mommy Linda.
How nice naman dahil kahit kayang-kaya ni Krista na kumuha ng nanny para sa kanyang mga anak ay siya pa talaga ang personal na nag-aasikaso sa mga ‘yon.
At least, hindi man nakikipagsosyalan si Krista ay may magandang dahilan naman at ‘yon ay ang personal niyang pag-aasikaso sa lima nilang anak.
Bongga!
‘Grateful…’
Sobra akong touched sa text message kahapon ni Manay Lolit Solis after ng lunch natin sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, Ateng Salve.
Sabi ni Manay Lolit, sobrang grateful daw siya sa akin sa pag-o-organize sa lunch na ‘yon kung saan nakasama rin ang anak niyang si Sneezy McDonald at iba pang kaibigang entertaiment press.
Actually, umuwi lang talaga ako from LA dahil nagsabi nga si Sneezy na sasama nga sa lunch na ‘yon ang kanyang nanay.
In fairness, ang sayang kasama ni Manay Lolit kahit nga tungkol sa kanyang sakit at pagda-dialysis ang napagkuwentuhan sa chikahan na ‘yon.
‘Yun na!
- Latest