^

PSN Showbiz

Jayda, aktres na rin!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jayda, aktres na rin!
Jayda
STAR/ File

Kasamang magbibida ni Jayda Avanzado sina Aljon Mendoza at Markus Paterson sa iWantTFC series na Teen Clash. Ito ang maituturing na kauna-unahang acting project ni Jayda. “Ito po ‘yung first official project ko as an actress,” bungad ni Jayda.

Mula sa pagiging singer ay pinaghahandaan na ngayon ng nag-iisang anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado ang pag-arte sa harap ng kamera. “Feeling ko naman po nauunti-unti ko naman. Nag-start po ako sa directorial works ko po sa music videos ko po ‘yung Kung Paano Naging Tayo and M.U. Malabong Usapan. So feeling ko ‘yon na rin ‘yung unti-unti kong prepa­ration for this project and nakapag-acting workshop po ako in the past. That’s part of my whole process,” pagbabahagi ng dalaga.

Ayon kay Jayda ay masayang-masaya rin ang mga magulang sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon.

Todong suporta raw ang ibinibigay nina Jessa at Dingdong sa baguhang aktres. “Sobrang saya po sila para sa akin and two years in the ma­king na rin po ang project na ‘to since 2020 pa po nung na-pitch po sa akin ‘to ni Inang Olive Lamasan and it holds me for a long time and finally na-announce na rin. Honestly when it comes to roles, iniisip rin po namin kung ano po ang bagay po sa akin and sa i­mage ko,” pagbabahagi ng singer-actress.

Jodi, nagtanung-tanong pa sa working style ni Direk Coco

Sa huling linggo ng Setyembre ay nakatakda nang simulan ang shooting para sa pelikulang Labyu With An Accent na pagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Coco Martin. Ngayon pa lamang ay kinakabahan na raw ang aktres dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatrabaho si Coco bilang aktor at direktor. “Actually, mas kinakabahan. May isang beses na nagkasama kami ni direk sa pictorial and then of course magtatrabaho kami hindi lang bilang artista, pero magiging director ko siya. I had to ask questions talaga ano ‘yung working style niya. Kasi siyempre kaila­ngan kong mag-adjust doon, ultimo kung anong oras ba siya nagigising para alam ko kung anong oras ba kami dapat nasa set. Makapag-prepare at ma-adjust ko ang tulog ko,” paliwanag ni Jodi.

Kilala bilang isa sa mga pinakamagaling na aktres sa Pilipinas si Jodi. Handang-handa na umano ang aktres kung ano man ang requirements niya mula kay Coco bilang direktor ng bagong pelikula. “Ako naman ang training ko sa industry was sobra akong naka-stick sa script naman. ‘Yon kasi ang training ko na babasahin ko tapos ‘yung mga lines, lalagyan ko ng kung anong emosyon dito and underlying context nito. Pero wine-welcome ko rin ang challenge to be working with the kind of style na as direk Coco has,” paglalahad ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JAYDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with