Josh uuwi na ng ‘pinas, mas lumusog sa US
Naku, Ateng Salve, finally ay nakauwi rin ako ng ‘Pinas, huh!
Pero bago ako umalis ng Los Angeles, California kahapon ay nagpunta pa ako sa event ng FACLA (The Filipino American Community of Los Angeles).
Naimbitahan ako sa event ng ‘yon ni FACLA President Trinity Foliente at ni Ms. Cora Oriel (publisher ng Asian Journal).
Kesehodang paalis na ako ng LA ay nag-segue muna ako roon dahil special guest ang businessman na si Mr. Rick Caruso, ang owner ng The Grove, The Americana at the Brand at iba pang shopping places sa LA.
Kumakandidato ring mayor ng LA si Mr. Caruso kaya maraming Pinoy na excited magpa-picture sa kanya (yes, kasama na ako sa mga ‘yon).
Ang event na ‘yon ay para i-honor and recognize ang mother-in-law ng veteran actress na si Ms. Hilda Koronel, si Ms. Priscilla Dulay-Hunt (para sa pagiging philanthropist nito).
Buti na lang at isinabay ako nina Ms. Nathaly Rosalie at Mario Ang kaya hindi ako nahirapang pumunta sa FACLA sa may Historic Filipino Town.
Anyway, pagdating namin doon inabutan na namin ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh.
Malapit si Josh kay Nathaly kaya agad na lumapit ang kuya ni Bimby sa kasama namin. Nag-kiss at hug si Josh at sobrang sweet ito.
Actually, pati sa akin ay ang sweet ng panganay ni Kris, huh! Ang bait-bait ni Josh, in fairness.
Sinamahan si Josh sa event na ‘yon ng mga kaibigan ni Kris.
Ang tsikang narinig namin, sa Sept. 16 ay babalik na ng ‘Pinas si Josh (kaya malamang ay Sept. 18 ay nasa atin na siya).
Medyo lumaki na naman kasi si Josh sa Amerika dahil wala raw masyadong activity. Sa ‘Pinas daw kasi ay mas nakakapag-exercise siya at nakakapag-basketball din.
Bongga!
Threelogy, may second leg na
Alam mo, Ateng Salve, babalik ako sa Amerika by November dahil type kong i-cover ang second leg ng Threelogy ni Ms. Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc.
Ang Threelogy ay pinangungunahan nina Erik Santos, Morissette Amon at Christian Bautista.
Noong first leg ng Threelogy ng April, nakasama ko ang tatlo.
Ang kick-off show nga pala nila ay Nov. 5 sa San Francisco.
‘Yun na!
- Latest