Ice Seguerra, may major concert pagkatapos ng 10 years!
Selebrasyon sa kanyang 35th anniversary sa showbiz...
Hindi madali ang mga pinagdaanan ni Ice Seguerra sa 35 years niya sa showbiz.
Isa rito ay nang maloko sila noong teenager siya.
Lahat ng mga naipon ni Ice noong kainitan ng career niya ay nakulimbat kumbaga.
“Nung time na ‘yung ang hirap na mag-recover. Kumbaga I was a teenager so yung mga napag-ipunan ko nuong kabataan ko, nakuha,” kuwento niya.
Naalala pa ni Ice na noong teenager siya, wala siyang career. Pero aniya, hindi siya tumigil sa pagtatrabaho.
At walang nakaalam sa nangyaring panloloko sa kanila ng isang taong akala nila ay malapit sa kanila.
Hindi na niya ito ibrinodcast dahil pakiramdam niya, hindi na kailangan bilang ito ay family thing.
At isa ‘yun sa down moments ni Ice.
Isa pang matinding pinagdaanan niya ay nang magkaroon ng pandemic kung saan grabe ang kanyang naging depression.
Aminado si Ice na nakaramdam siya na parang wala siyang silbi dahil sa kawalan ng trabaho ng trabaho – wala siyang naipapasok na pera.
Ang pagiging breadwinner ay nakadikit na sa kanya.
Aniya, ang singing ang part na ng kanyang identity katulad sa pagiging provider niya kaya nang magkaroon ng pandemic naramdaman niya na nawalan siya ng identity.
Umabot pa sa kailangan na niyang magpa-psychiatrist upang bumuti ang pakiramdam.
Nakasabay pa noon ang sakit ng kanyang ama kaya pakiramdam niya ay nagpatung-patong na ang mga nangyayari.
Ilan lang ‘yan sa masasabing pinagdaanan niya umpisa nang pumasok siya sa showbiz 35 years ago na nag-umpisa sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga.
Ngayon ay matibay na matibay na siya.
Lalo na nga’t parating nakasuporta at hindi siya iniwan ng kanyang misis na si former Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.
Pagdating sa kanyang career, alam ng buong bansa ang buhay ni Ice na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na din, sa nakalipas na 35 taon niya sa showbiz.
Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre ‘di lamang ng ins at outs ng industriya kundi sa kanyang sarili na rin.
Sa Oktubre 15 (8:00 p.m.), dadalhin tayo ni Ice sa isang musical at visual journey ng kanyang evolution.
Magaganap ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert sa The Theater at Solaire from 8:00 p.m. onwards.
Sinusundan ng milestone event na ito ang 10-year hiatus niya sa major concert stage matapos ipagdiwang ni Ice ang kanyang ika-25 na anibersaryo.
Ang Fire and Ice Media and Productions, Inc., na production company ni Ice kasama ang kanyang misis na si Liza Diño ang producer ng show sa pakikipagtulungan sa Nathan Studios.
Siya na rin stage director kasama ang musical director na si Ivan Lee Espinosa.
“Sobra akong excited na mag-major solo concert ulet after 10 years. Miss na miss ko ang energy, ang emotions, and ang mga tao na nakaka-appreciate sa experience ng isang live event. Becoming Ice is very personal to me because this is the first time that I’m going to do a major concert as Ice Seguerra. At masaya ako na maibabahagi ko ang 35-year journey ko sa aking mga, my fans,” banggit ni Ice nang maka-dinner namin nung minsan.
Love letter ni Ice ang concert na ito sa kanyang mga tagahanga at mga taga-suporta na nanatiling loyal sa kanya sa kabila ng madaming pagsubok na kanyang pinagdaanan sa kanyang karera.
Aawitin niya ang soundtrack ng ating mga buhay sa kanyang mga phenomenal hits gaya ng Pagdating ng Panahon, Anong Nangyari sa Ating Dalawa, at madami pang iba.
Ipinapangako rin ng multi-platinum artist ang isang gabi ng reminiscence, nostalgia, at feel-good vibes.
Ang mga tiket sa Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ay mabibili sa TicketWorld. Ang mga presyo nito ay P7,200.00 para sa SSVIP; P6,100.00 para sa SVIP; P5,000.00 para sa VIP; P4,650.00 para sa Gold; P3,350.00 para sa Lower Box; at P2,250.00 para sa Upper Box seats. Ang “Meet and Greet Package” para sa SSVIP tickets ay may eksklusibong meet and greet kasama si Seguerra na may kasamang personal na selfie at eksklusibong Becoming Ice merchandise item, habang ang SVIP at VIP tickets naman ay mayroong eksklusibong Becoming Ice merchandise item.
Samahan si Ice habang binabahagi niya ang kanyang 35 na taong paglalakbay – ang highs at ang lows at everything in between – at diskubrehin kung paano niya nakamit ang kanyang tunay na pagkatao.
Maaalala rin na chair of the National Youth Commission of the Philippines si Ice.
- Latest