^

PSN Showbiz

Toni, P500 milyon ang tf sa AMBS?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Toni, P500 milyon ang tf sa AMBS?!
Toni
STAR/ File

Ito ang isang tsismis, maniniwala raw ba kayo na ang talent fee ni Toni Gonzaga sa AMBS ay P500 million? Aba kung kami ang tatanungin, puwedeng maniwala kami. Una, may napatunayan si Toni kahit na papaano kung gaano kalakas ang kanyang “batak” sa publiko. Puwedeng masabi na hindi nga ganoon karami ang fans niyang nagtitilian, pero hindi maikakaila na noong nakaraang eleksiyon, nakita naman ang kanyang impluwensiya.

Hindi namin napapanood ang kanyang vlog. Hindi kasi kami mahilig manood sa Internet, pero hindi maikakailang malaki ang following ng kanyang podcast, at kung ganoon nga ang gagawin niya sa telebisyon, may captured audience na siya, at tiyak mas dadami ang kanyang audience dahil free TV iyan na mas malaki ang audience kaysa sa Internet. Kahit na mag-claim ka pa ng milyong audience sa Internet kung wala ka naman sa free TV, bagsak ka pa rin, at napatunayan na rin natin iyan.

Isa pa, hindi natin alam ang nature ng contract ni Toni. Gaano katagal ba niyang bubunuin ang kalahating bilyon?

Kung natatandaan ninyo, si Sharon Cuneta nga pumirma ng kontrata sa TV5 noong 2012 pa, 10 years ago, na ang halaga ay isang bilyong tumatagin­ting. Ipinagmamalaki nila noon na si Sharon ang kauna-unahang artistang binayaran ng isang bilyon, kahit na noon ay pababa na rin ang kanyang popularidad. Ang nangyari, ginawa na nila ang lahat hindi pa rin tumaas ang ratings, natantiya ni Sharon na mala­lagay lang siya sa alanganin dahil hindi naman tumataas ang ratings niya gaya ng inaasahan. Humingi siya ng release sa kanyang contract, isinauli niya ang pera ng TV5 at muling tumalon pabalik sa Mother Ignacia, na wala rin namang nangyari na.

Ngayon iyang kalahating bilyon ni Toni, naniniwala kami riyan pero depende pa rin iyan sa kalalabasan ng kanyang mga gagawing programa, unless nakalagay sa kontrata niya na iyan ay guaranteed income, na may magawa man siyang show o wala, kalahating bilyon pa rin ang ibabayad sa kanya ng AMBS.

Heart, mas praktikal sa pagtira sa Paris

Humahanap na raw ng bahay sa Paris, France si Heart Evangelista dahil ang tingin niya, mas practical ang bumili na siya ng bahay doon kaysa sa panay ang biyahe niya, at nagbabayad pa siya nang mahal sa hotels, kung pupunta siya roon dahil sa sunud-sunod na fashion shows na ginagawa niya. Tama ngang desisyon iyan, at kung naroroon na siya, tiyak na mas marami pang trabaho ang papasok sa kanya.

Iyon nga lang, maaari namang kung ganoon ay hindi na niya maaasikaso ang kanyang career bilang isang aktres sa Pilipinas. Pero alam naman ninyo ang mga Marites. Sa version nila gusto nang manirahan ni Heart sa Paris para magkaroon na ng magandang exit sa kanilang relasyong mag-asawa. Iyan naman ang hindi kami naniniwala. Maaaring nagkakatampuhan lamang ang mag-asawa pero hindi kami naniniwala na maghihiwalay iyan.

Kung nanay mismo ni Heart nagsabi nang wala siyang alam, at hindi siya nakikialam sa personal na buhay ng kanyang anak, eh iyan pa bang mga Marites na iyan ang makikialam?

Mr. M, consultant lang ng sparkle

Bakit parang ayaw pa yata nilang maniwala na si Annette Gozon-Valdes na ang hahawak ng Sparkle? Hindi ba maliwanag naman na sa simula’t simula pa, kinuha ng GMA 7 si Mr. M (Johnny Manahan) matapos na magkapalpakan ang kanilang noontime show noon, bilang consultant lamang ng kanilang artists center?

Bakit nakakapagtaka na si Annette ay inilagay na CEO? Alangan naman na ang isang malaking effort na ganoon ay ipagawa mong lahat sa isang consultant.

AMBS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with