^

PSN Showbiz

Donita, ayaw magkomento sa away nila ng dating aktres

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Donita, ayaw magkomento sa away nila ng dating aktres
Donita
STAR/ File

Ang bongga, Ateng Salve, ng 10Q concert ni Angeline Quinto with the BuDaKhel group nina Bugoy Drilon, Daryl Ong at Michael Pangilinan noong Friday sa City National Grove of Anaheim sa Anaheim, California (kahapon ng mga bandang 11:00 a.m. sa ‘Pinas) dahil ang saya-saya.

Kahit nga umulan sa California that day ay dinumog pa rin ng fans ang nasabing concert, huh!

At napaindak talaga ang audience sa ilang mga kanta nila, huh!

Enjoy panoorin at pakinggan silang apat.

Si Angeline, no doubt na ang kagalingan at ilang beses ko na rin naman siyang napanood na nag-show, pero ang BuDaKhel, ang galing din pala.

Si Bugoy, hit sa audience dahil magaling magpatawa!

Si Daryl naman, may anak pala, si Dwayne, na based sa California at nandoroon din. Bale nine years na raw sa Amerika ang anak ni Daryl na nag-join pa sa kanya sa stage habang kumakanta siya.

Siyempre, si Michael, hit sa mga kababaihan.

Naku, Ateng Salve, parang gusto ko nga uling panoorin silang apat sa iba pang shows nila rito sa Amerika dahil sobrang nag-enjoy ako.

Anyway, congratulations kay Ms. Pen de Leon-Manahan at sa husband niyang si Kuya Jerry Manahan na producers ng nasabing show dahil obvious namang successful ‘yon, huh!

Bongga!

Samantala, isa sa mga front act ng 10Q concert na ‘yon si Felson Palad, ang fiancé ni Donita Rose.

Nang makita ako ni Donita, bumati kaagad siya at tinawag pa si Felson para makilala ko.

Nice naman si Felson.

Sabi ko nga pala kay Donita, kalat sa Los Angeles na may “gap” sila ng isa pang dating aktres, pero ayaw magkomento ng actress turned chef tungkol doon.

Kahit si Felson, no comment daw.

Well, sana maayos kung anumang “gusot” meron si Donita at ang taong sinasabing hindi niya kasundo ngayon, huh!

Lovi, kinilig kay Martin

Naku, excited si Lovi Poe sa pag-appear niya sa episode today ng ASAP Natin ‘To.

Makaka-duet kasi ni Lovi ang Concert King na si Martin Nievera.

Sabi ni Lovi, she’s so excited, happy, kilig and honored na maka-duet si Martin.

Isang malaking karangalan daw ‘yon for Lovi.

Bongga! ‘Yun na!

BUGOY DRILON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with