^

PSN Showbiz

Actress/TV host na madalas ma-bash, pababa ang benta ng mga endorsement

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

May nakausap ako na executive ng isang kumpanya na kung saan ang isa sa mga produkto nila ay ini-endorse nitong actress/TV host.

Disappointed daw sila ngayon sa mga pinanggagagawa ni actress/TV host dahil madalas ay naba-bash siya.

Parang keber naman sa naturang aktres kung bina-bash siya, pero nakakaapekto pala ito sa mga ini-endorse niya.

Sinabi nitong executive na nung minsang nasangkot siya sa isang isyung na-bash si actress/TV host ng fans ng isang sikat na singing group, bu­magsak daw ang sales ng produktong ini-endorse nito.

Kaya mukhang malabo na ang renewal ng kontrata ng aktres sa nasabing produkto.

Nalalaman din daw nilang hindi lang ang produkto nila, kundi pati ang ilang endorsement nitong actress/TV host.

Kaya dapat ay mag-ingat ingat din itong si actress/TV host dahil kahit cute ang dating ng pakuwela niya, hindi naman cute sa taumbayan, nadadamay pati ang ineendorsong produkto.

Social media influencers, mas epektibo na kesa mga artista

Parang na-gets ko tuloy ang punto ni Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm na minsan parang mas effective pang endorser ang mga social media influencer kagaya ni Zeinab Harake at ni Jelai Andres.

Medyo sensitive ang status ng mga arista na kailangang pangalagaan ang image para hindi makaapekto sa ini-endorse nila.

Ang mga social media influencer parang kagaya rin ng followers nila na ang simple lang at diretsong nakakapag-interact sa mga tao.

Kagaya nitong si Zeinab na may mahigit 50M subscribers sa kanyang social media platforms na Facebook, Instagram, Twitter, TikTok at YouTube, nakakapag-interact siya sa mga tao at naipapaliwanag ang produktong ini-endorse niya.

Dito sa Beautederm ay ineendorso ni Zeinab ang oral products ng Beautederm na Koreisu Family Toothpaste, Koreisu Whitening Toothpaste, Etré Clair Refreshing Mouthwash, at Etré Clair Mouth Spray.

Natutuwa si Ms. Rei dahil talagang nabebenta nila sa kanilang social media account ang ineendorsong produkto. “Sa totoo lang, marami na rin akong hindi na-renew na ambassadors.

“Pamilya, yes. But also, I have to get also what I gave them. It’s work ‘di ba?

“Sana i-deliver nila kung ano ‘yung nasa kontrata,” banggit ni Ms. Rei.

Kaya mas na-appreciate raw niya ang kasipagan ng social media influencers kaya ni Zeinab, dahil nakikita niya ang reaksyon sa followers nito, at nabebenta ang produkto nila.

“Iba talaga ang mga influencers ngayon, masisipag talaga sila.

“’Pag nag-post si Zeinab, may nagtanong ibig sabihin, effective siya.

“Nakikita namin ngayon, iba po ang powers ng mga influencer.

“Kailangan naming mga negosyante. Aanhin mo ‘yung ganda ng ano kung hindi naman nag-i-endorse? Kailangan namin na every post, na-encourage ‘yung mga consumers na bumili ng produkto namin. Kung hindi ka gagalaw, hindi kami benta, kami lugi ha?,” nakakaaliw na pahayag ni Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm.

Samantala, si Beauty Gonzalez naman ang ka-partner ni JC Santos sa pag-endorse ng BeautéHaus ng Beautederm sa Angeles City, Pampanga.

Sa nakaraang press launch kay Beauty, ramdam mo sa ­aktres na kuntento na siya sa kanyang kalagayan ngayon bilang artista at asawa ng non-showbiz niyang husband na si Mr. ­Norman Crisologo.

Kung gaano ka-proud si Mr. Crisologo sa kanya, ipinagmamalaki rin dw siya ng kanyang nag-iisang anak na si Olivia.

Nagkuwento si Beauty kung paano siya ipinagmamalaki ng kanyang anak.

“Kahapon nga nasa bahay ako, natutulog ako, nagpahinga ako kasi galing ako ng taping the other day, and then sabi niya sa akin, ‘Mommy, I wanna go to the park. O sige. Pagbalik niya, ‘Mama, may surprise ako sa ‘yo. Surprise! Lumabas ka!

“Ayoko lumabas kasi pagod ako. Hindi pa ako nakaligo. Wala pa akong ayos. Sabi niya, lumabas ka ng bahay. Paglabas ko tinawag niya ang lahat na mga kasambahay.

“Sabi niya, ‘Mama ko yan! Oh my God! Ang mga kasambahay na mga neighbors ko, nandun sa harap ng bahay namin. She’s very proud to do that.

“Sabi ko sa kanya, ‘Baba, okay lang naman. Next time, sabihan mo ako para makapagsuklay man lang ako, o nag-toothbrush. ‘Yung paglabas ko ba, hala! Ginoo ko! Isang barangay! Tapos wala pa akong suot na maayos na damit.

“Nakakatuwa kasi siyempre ‘yun naman ang gusto natin sa mga anak natin na maging proud din sila sa atin, and at the same time, proud din tayo sa kanila.

“I’m happy na everytime I see my daughter, she does things for me and she looks at me in a loving way. Parang, I did something right in this world. So, thankful ako,” masayang kuwento ni Beauty.

Doon na rin sa press launch ay ibinalita sa amin ni Ms. Rhea Anicoche-Tan na magkakaroon na rin daw sila ng naturang BeautéHaus sa Maynila.

Hindi raw ito pang-sosyal na beauty clinic, kundi para sa lahat dahil affordable daw ang presyo ng services nila. Sa halagang 500 hanggang 600 na facial ay mapa-pamper na rin daw sila.

CRISOLOGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with