^

PSN Showbiz

Ate Vi, sabik sa kanyang comeback

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi, sabik sa kanyang comeback
Vilma
STAR/ File

Sa tingin namin, talagang masyadong excited si Ate Vi (Vilma Santos) sa kanyang gagawing comeback movie sa Reality Entertainment.

Naroroon pa kami sa Marian Exhibit sa Ali Mall nang sunud-sunod na text ang natanggap namin mula sa Star For All Seasons, at sinasabi niya sa amin na talaga raw maganda ang nai-present sa kanyang project ni Erik Matti at Dondon Monteverde.

Wala pang final na project, pinag-uusapan pa pero excited siya sa concept kasi iyon daw ganung klaseng pelikula ay ngayon pa lang niya magagawa kung sakali.

Nabanggit din ni Ate Vi na naging ambisyon niyang makagawa ng pelikula na si Erik Matti ang director simula noong mapanood niya ang pelikulang On the Job. Nabanggit din niyang dalawang beses na raw siyang naidirek ni Erik Matti, pero sa commercials lang. Ngayon lang sila magkakasama sa pelikula.

“Nag-uusap din kami nina Cory (Vidanes) para sa pelikula at TV show, pero wala pang definite kasi wala pa namang project talaga. Hindi pa sila decided kung ano ang gusto nilang gawin,” sabi ni Ate Vi.

Iyan naman kasing Reali­ty Entertainment, walang ibang iniisip na problema kundi matapos lamang ang kanilang proyekto at mailabas iyon at ma­ging hit sa mga sinehan. Iyon naman kasing Star Cinema, hindi mo maikakailang may problema rin sila sa ngayon dahil sa hinaharap na problema ng ABS-CBN.

Noong araw sigurado sila sa malaking promo dahil sa ABS-CBN. Noon din sigurado sila lumaki man ang gastos ng pelikula dahil suportado sila sa budget ng ABS-CBN.

Eh ngayon may problema rin sa finances ang ABS-CBN dahil nalulugi sila simula noong sa cable, internet at blocktime ng ibang istasyon lang nailalabas ang shows nila.

Joshua at Bella, mas bagay

Ano pa nga ba ang masasabi ni Julia Barretto kung sakali man at totoo ngang syota na ni Joshua Garcia ang content creator at model na si Bella Racelis?

Dapat talaga sabihin na lang niyang happy siya. Sa kanya rin naman nagmula sa problema. Bigla niyang naging syota si Gerald Anderson nang walang kamalay-malay si Joshua. Itinago pa nila iyon nang mahigit isang taon, pero lumitaw rin ang totoo.

Talagang dapat maging happy na siya para kay Joshua at
nakakita na iyon ng iba, at matino naman ang nakita noon.

Galing sa isang mabuting pamilya si Bella, walang anumang kinasangkutang gulo ang pamilya nila.

Lalo namang walang kinasangkutang gulo at maganda ang reputation ng dating Miss Lipa.

Kahit na sino ang tanungin, aba eh masuwerte si Joshua kung si Bella Racelis na nga ang syota niya.

least natuto siyang pumili.

Gay star, dedma ang pagpapapansin sa social media

Trying hard talagang mapansin ang isang gay star.

Kung anu-ano na ang ginawa niya sa kanyang social media account makatawag lang ng pansin.

Kaso hindi pa rin niya matawag ang pansin ng babaeng fans, maski na ang gay fans, kasi nga alam na alam naman ng lahat na gay rin siya.

Wala namang masama kung gay siya, pero dito sa atin, hindi pa rin tanggap ang isang gay matinee idol.

Kung maging comedian siguro siya ok lang kahit na ilantad pa niya ang kabaklaan niya.

vuukle comment

VILMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with