^

PSN Showbiz

Joshua, GF na ang social media influencer Bella Racelis?!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Joshua, GF na ang social media influencer Bella Racelis?!
Joshua at Bella
STAR/ File

For real or collab lang?

“Hindi na ninyo ako mapapaniwala sa mga love team. Mas paniniwalaan ko ang ilang beses ko nang nakita nang personal. Nakita ko sa isang restaurant sa BGC na nagdi-dinner si Joshua Garcia na kasama si Bella Racelis, at mukhang magsyota na ang dalawa,” sabi ng isa naming source na sosyal pero Marites.

Pero teka paano niya nalaman ang pangalan noong girl? “Hindi ka kasi mahilig sa TikTok pero milyon ang followers niya sa TikTok. Social media influencer at blogger siya. Sikat iyan,” sabi pa niya.

Noong hanapin nga namin ang iba pang detalye, si Bella Racelis ay naging Miss Lipa 2020-2021, at sikat nga pala sa social media. Hindi rin malayong nagkakilala na sila noon pa dahil si Joshua ay taga-Bauan Batangas, at nag-aral sa De La Salle sa Lipa. Magkababayan sila.

Kung titingnan mo naman ang pictures, bagay naman silang dalawa. Baka nga mas mabuti kung hindi taga-showbiz mismo ang maging syota ni Joshua para matahimik at mapanatili niyang private ang kanyang love life.

Nasubukan na rin naman niyang magkasyota ng artista at ano nga ba ang nangyari? Napatunayan na rin naman niya na hindi niya kailangan ang ka-love team para umangat sa kanyang career. Mas ok pa nga na wala siyang love team. Parang mas gusto siya ng fans.

Isa pa, sa mga kuwento, hindi “pa-S” meaning pasosyal iyang si Bella. Baka nga mas makasundo ni Joshua na simple lang din ang buhay kahit na sikat na siya.

Huwag na muna ninyong urutin at baka maudlot pa.

Carlos, dusa sa aksidente sa tuhod

Naglalaro lang daw ng basketball si Carlos Agassi, at mukhang masama ang kanyang bagsak, medyo nalinsad ang kaliwa niyang tuhod.

Ngayon ni ‘di raw siya makatayo, hindi rin makalakad, kaya sabi niya humihiling siya ng dasal na sana naman maayos ang problema niya sa tuhod na hindi na kaila­nganin pa ang operasyon.

Iyang basketball, delikado talaga iyan. Marami riyan napipilasan ng litid sa tuhod din, na kailangang sumailalim sa operasyon.

Masaya ang basketball at sa mga artista, pinagkakakitaan nila iyan pero delikado rin iyan kagaya ng iba pang mga laro.

Kailangan talaga ang ibayong ingat, at sana gumaling agad si Carlos.

Bading na starlet, ginagamit ang husay sa pag-arte para makapangutang

Magaling daw sa drama ang isang male starlet.

Ipinagmamalaki naman kasi niyang nag-workshop siya sa isang hindi naman lehitimong workshop, pero ok lang sana dahil may natutuhan naman siya.

Kaso ang husay niya sa drama ay hindi niya ginagamit sa pelikula o sa teleserye.

Ginagamit niya iyon sa pangungutang sa mga gusto niyang bolahin.

Madalas daw ang drama mayroon siyang event pero hindi niya mapuntahan kasi wala siyang gasolina at pang-load sa RFID.

Mangungutang siya na gusto niya ipadala sa kanyang GCash account. Pero iyon ay utang na wala nang bayaran. Minsan mas malaki pa, may utang daw siyang kailangang bayaran agad na ang halaga ay P10K.

May mga nabola na raw, kasi naman pogi at maraming bading din ang atat sa kanya. Minsan naman daw “may kapalit” pero madalas “palusot.” At ang matindi, hindi alam ng mga nabobola na niya na siya ay bading din at ang kailangan niya ay “pandatung sa kanyang boyfriend.”

vuukle comment

BELLA

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with