^

PSN Showbiz

‘Complicated ang sakit ko’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Naku, talagang hindi ko akalaing ganito pala ka-complicated ang sakit ko. Dahil ayaw pang makipag-cooperate ang braso ko na lalagyan ng fistula, nilagyan na ako ng permanent catheter sa aking leeg.

Naku ha, ang sakit pala at talagang hindi ako nakatulog dahil kumikirot.

Iritable ako na ang dami palang procedures at nai-imagine ko ang December na disrupted ang aking sked dahil sa dialysis ko na twice a week, four hours each session.

My God, dahil lang sa kidney ko na tinamad nang mag-work, heto at nahihirapan ako ngayon. So unfair, lalo pa nga at nakikita ko na well adjusted na ang ibang kasabay ko sa dialysis. Na para bang routine na nila ito na ginagawa nila.

At lalo akong naiinis ‘pag naririnig ko na ang tagal na nilang nagda-dialysis, pero heto hanggang ngayon nandu’n pa rin sila. Para bang aabutin pa ako ng ganun katagal ha, eh balak ko nang mag-AWOL, hah hah hah.

Tinatakot nga nila ako at sinabi na tiyak mamanasin ang buo kong katawan ‘pag huminto ako sa dialysis. Magiging kasingtaba raw ako ni June Rufino at Dolor Guevarra dahil mamamaga ang buong katawan ko.

Bongga! Talagang destiny ko na nga, na tiisin ang apat na oras na dialysis dalawang beses isang linggo.

Bong, hindi tumatand ang hitsura

Tulad n’yo, Salve at Jun Nardo, birthday month din ni Bong Revilla ang September. Tuwang-tuwa ako na habang tumatagal lalo pang nagiging mas maganda ang physical features ni Bong.

Mas mukha siyang bata ngayon, at mas maganda ang katawan.

Sana lang ay ganun din pati ang kanyang health. Kasi career-wise masasabi ko na steady ang takbo ng lahat.

Maganda ang performance niya as senator, matatag politically ang mga Revilla. Sa showbiz naman, top level pa rin ang posisyon niya bilang actor.

Siguro masasabi ko nang buong tiwala na si Bong Revilla is getting older, and wiser. Getting better with age kaya naman hindi kataka-taka na katakutan ng marami na nasa pulitika na baka umakyat pa sa mas mataas na puwesto.

Why not?

Malaki na ang working experience niya. Sapat na ang kaalaman niya sa iba’t ibang larangan. Isang mabuting tao na may bukal na puso.

Bakit hindi? Mas magtitiwala ako sa kanya kesa ibang pulitiko. Mas gugustuhin ko siyang leader kesa iba.

Happy Birthday, Bong Revilla, I will always salute you, dahil alam ko na karapat-dapat kang mahalin.

vuukle comment

BONG

LOLIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with