Ang Artistang Dentista
Nakilala ko ang artista at dentistang si Dr. Rosanna Jover nung nagsisimula palang ako sa entertainment industry. (hindi naman ito panahon ng Hapon ha!) Ininterview ko siya for a television segment. Naging feature ko yung pagsisimula nya bilang kontrabida sa soap operang Flor De Luna ni Janice De Belen hanggang sa maging Endorser at makapagtapos ng Dentistry sa Centro Escolar University at makapasa sa dental licensure exam. (umaarteng dentista?! Oo! pero di maarte ha!)
“My exposure in show business was a good training ground for me in discipline, hard work, and equality. But then destiny tells me to finish dentistry. That’s why I’m here as your dentist. “ Paliwanag ni Dr. Rosanna. (sakin kaya ano message ni destiny?!)
Bilang feeling close agad ako sa kanya, ilang beses akong bumisita sa clinic nya para magpaganda ng ngipin. Meron pa nga syang ginawa sa ngipin ko para mas bongga ang ngiti. (yung pang artista!) Maayos sya mag-explain at maayos magsagawa ng dental procedures. (high tech pa ang mga gamit ha!)
“ I was able to earn my master’s degree in periodontics. I also became lecturer and professor at the CEU graduate school. Pero siempre tuloy tuloy pa rin yung pag-aaral para sa profession na ito. “ Pagbahagi ni Dr. Rosanna ( as in my mga international certificates pa sya ha!)
Ilang buwan palang ang nakakalipas nang ilunsad nya ang sarili nyang Youtube Channel ang : “Artistang Dentista” “I long wanted to launch this Youtube Channel but I was nervous because I am not into technology. Now’s it’s here. “ (buti naman para madagdagan ang mga magaganda sa youtube! Dumarami na kasi ang…. ay basta!)
Makikita sa bawat episode ng kanyang channel kung gaano sya ka-passionate sa kanyang napiling propesyon. (as in daig nya si Kuya Kim Atienza pag nagpapaliwanag na ng tungkol sa ngipin at gums!) Ilan sa mga natalakay na nya yung tamang pagsesepilyo, tamang pagfloss, mga epektibong toothpaste at mouthwash at sari-sari pang tips na makakatulong sa ating dental health. (as in very informative, feeling mo dentista ka na rin after mong manuod!)
“I want to bridge dentistry to people. Tips, problems and anything about dentistry, I am here to discuss these things with all of you. We all had our share of dental concerns, that’s why we all need a dentist. And that’s why I am here. “ Pagsambit ni Dr. Rosanna. (ang kontrabida ng teleserye noon, bida na sa dentistry ngayon!)
(MR.FU hosts on 91.5 Win Radio, 7pm-9pm, Mondays to Fridays.
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG: @mrfu_mayganon.
FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu
- Latest