Paboritong lugar ng mga taga-showbiz at pulitiko sa Quezon City, nasunog
Nasunog kahapon ang Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Kumbaga simbolo ng showbiz ang Annabel’s dahil madalas na dito ginaganap ang mga movie presscon, meeting, at kung anu-ano pang showbiz event way way back pa, nung kalakasan ng movie industry.
Favorite hangout din ito ng mga pulitiko. Mula ata sa presidente hanggang mga councilor, naging customer ng Annabel’s.
Kaya naman maraming nalungkot kahapon nang kumalat ang balita na nasusunog ito na nag-umpisa sa kanilang kitchen.
Hindi naman ito naubos ng apoy. Naka-post sa social media account ng Annabel’s na walang nasaktan sa nasabing sunog :
“Beloved friends and clients of Annabels.
“Thank you for your concern and prayers.
“The fire is contained and no one was harmed during the incident.
“We’re happily looking forward to serving you. For now, we will rebuild to serve you better.”
Robin, ‘in demand’ sa Senado
Kumpirmado, walang epekto ang mga panlalait kay Sen. Robin Padilla na ‘di siya mahusay sa English. Siya lang naman ngayon ang nahalal na acting executive vice president ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ang dominant political party sa nakaraang administrasyon.
Sinasabing ang dating aktor na ang “second highest party official.”
Puring-puri pa siya ng mga kababaihan dahil sa pagiging gentleman niya tulad sa pag-akay niya kahapon kay Department of Migrant Workers Sec. Toots Ople na humarap kahapon sa Senado.
- Latest