^

PSN Showbiz

Joshua, nadagdagan ang paghuhubad sa Darna

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, nadagdagan ang paghuhubad sa Darna
Joshua
STAR/ File

Maraming ginawang topless scenes si Joshua Garcia sa Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Ginagampanan ng aktor ang karakter ni Brian Robles na isang pulis. Ayon kay Joshua ay hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na naghubad siya sa isang proyekto. “Nasa script talaga ‘yon. Bago pa magsimula ang Darna, alam ko na may pa-gano’n. Sa Killer Bride nag-topless din ako kaso payatot pa talaga no’n. Ngayon kasi nagkakaroon ng kaunti lang naman (na muscles). Kasi may preparation bago mag-start ang Darna and nag-exercise na rin ako, nakakapag-workout,” pagbabahagi ni Joshua.

Para sa aktor ay makatutulong din sa kanyang career bilang isang aktor ang ginawang paghuhubad sa pinag-uusapang serye ngayon.

“Hindi ko siya ginawa dahil sa Darna. Para rin sa sarili ko. Kita mo naman eventually nagamit sa Darna. ‘Di naman gano’n kaganda katawan, pwede na rin,” giit ng binata.

Dapat daw na pakaabangan ng mga manonood ang bawat eksenang ginawa ni Joshua sa Darna.

Minsan ay nakahalata na rin umano ang aktor dahil tila naparami na ang kanyang mga eksenang nakahubad. “After ng paggawa ng scene na ‘yon, binabasa ko script, ‘Hala! Nakahubad na naman ako?’ Nagkasunud-sunod na siya! Siguro mabibilang ko sa kamay ang topless scenes. Parang ‘yung iba sinabi ko, ‘Huwag naman tayo nakahubad dito. Lagi na lang tayo nakahubad.’ May scenes na pasuot lang ng damit,” natatawang kwento ng aktor.

John, ayaw nang maging kontrabida

Tumatak sa mga manono­od ang pagganap ni John Arcilla bilang si Renato Hipolito na isang kontrabida sa FPJ’s Ang Probinsyano na nagtapos kamakailan. Hanggang maaari ay ayaw na raw munang tumanggap ng aktor ng proyekto ngayon kung kontrabidang muli ang kanyang gagampanan. “Totally gusto kong gumawa nang hindi kontrabida, as in totally 100%,” nakangiting pahayag ni John.

Maraming negatibong mga salita ang ibinato ng netizens sa beteranong aktor dahil sa epektibong pagganap nito sa nagwakas na serye. Aminado si John na talagang nababahala na siya minsan dahil sa kanyang mga nababasa at naririnig. “Doon sa mga bashers, hindi ko naman kasi kayo mako-control kung mamba-bash kayo. Dumating ako sa point na ‘yung bashers nakita ko, kaya sila namba-bash consistently kasi mayroong tao na nasa likod nila or binabayaran sila. Kaya hindi na po ako naba-bother sa inyo. Naba-bother ako doon sa nagagalit sa character ko. Kasi hindi n’yo ma-distinguish kung ano ang totoo at hindi. Nakakatakot po kayo bilang isang tao at nakakalungkot po na gano’n sila mag-isip. Mas nag-aalala po ako sa inyo kaysa sa akin,” makahulugang pahayag ng aktor.

(Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with