Pauleen, inaming sanay na si Tali na magtrabaho!
Ang dami naming napag-usapan ni Pauleen Luna sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Martes, Aug. 30, dahil pinu-promote na nila ang bagong show nila ni Vic Sotto at ang anak nilang si Tali sa Net 25, ang Love, Bosleng and Tali.
Nakakatuwang pag-usapan si Tali, kung gaano siya kasaya ‘pag nagpi-perform sa isang show.
Nakasanayan na raw nito ang mag-taping dito sa Love, Bosleng and Tali na magsisimula na sa Linggo, Sept. 4, 6:00 ng gabi sa Net 25.
Ilan pa sa napag-usapan namin ni Pauleen ay ang Dabarkads nilang engaged na.
Hindi namin pinilit na magbigay ng impormasyon tungkol sa wedding plans nina Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde, at pati na rin kina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Pero sabi ni Pauleen, wala pa raw talagang sinasabi sa kanila na nagsisimula na ng wedding preparations. “Alam mo wala pa. Si Maja siguro nahihiya kasi bago,” bulalas ni Pauleen nang kinumusta namin ang dalawang engaged na Dabarkads.
“Si Maine naman, well, this was as of last week yata or two weeks, hindi pa daw sila nag-i-start mag-plan. Parang ini-enjoy niya muna na parang newly-engaged sila, ganun,” dagdag niyang pahayag.
Naintindihan naman namin kung hindi magkukuwento si Pauleen dahil mas mabuting manggagaling naman siyempre kina Maja at kay Maine.
Nakakatuwa lang daw ang pagmamahalan ng mga bagong engaged at nandun ang suportahan sa isa’t-isa. Nakaka-touch daw ang video ng proposal nina Arjo at Maine, na talagang nakikita ang sobrang pagmamahal ng actor/politician sa EB Dabarkad. “Mararamdaman mo na genuine ang feelings nung isa’t-isa,” pakli ni Pauleen.
Hindi naman daw sila nagprisinta na isama sila sa entourage. Ang hinihintay siyempre ay kung kakausapin na ba nilang magni-ninong si Bossing Vic.“Ayaw naman nating ma-pressure sila. ‘Ay kailangan natin silang bigyan ng papel! Hindi naman. But, you know, nandito naman kami palagi, always. Si Maja ang tagal-tagal ko nang kasama ‘yun. Nagsimula pa lang kami sa ABS, magkasama na kami. So, we’ve known for each other for a long long time,” dagdag na pahayag ni Pauleen.
Ysaguel, marami pang ilalantad
Nagpapasalamat ang YsaGuel loveteam sa magandang feedback at tumataas na ratings ng What We Could Be.
Sa pilot episode nito nung Lunes, Aug. 29, ay naka-9.3 percent ito.
Nung nakaraang Martes ay mas tumaas, dahil naging 10.8 percent.
Kaya ang saya ng buong team ng What We Could Be lalo na ang Quantum Films na first time pa lang sinubukang makipag-collaborate sa GMA 7.
Maganda naman kasi ang kinalabasan ng feel-good series na ito nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega. “I’m so grateful! Sobrang binuhos po namin ang puso namin sa show na ‘to, at sobrang minahal ko po ang role ko as Cynthia. Kaya happy po ako na nagustuhan ng mga viewers ang show namin,” masayang pahayag ni Ysabel.
Sabi naman ni Miguel: “ “Marami pa po kayong malalaman sa story at tiyak po akong magugustuhan ninyo ito.”
- Latest