^

PSN Showbiz

Ruffa, excited magmartsa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ruffa, excited magmartsa!
Ruffa
STAR/ File

Naku, Ateng Salve, tiyak na puyat si Ruffa Gutierrez dahil bukas ang graduation rite nila sa PICC (Philippine International Convention Center) sa Pasay City. Kaya tiyak na 3:00 a.m. gising na siya.

Magmamartsa si Ruffa para tanggapin ang kanyang bachelor’s degree in Communication Arts diploma from the Philippine Women’s University under the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

“Actually, dalawa kami ni Venice (bunso niyang anak) na gigising nang maaga dahil magpapa-make up na kami at 6:00 a.m. ang graduation ko sa PICC. Si Venice lang ang kasama ko.

“But I will ask Dad (Eddie Gutierrez) and Mom (Annabelle Rama) kung gusto ba nilang mag-breakfast after ng graduation ko,” kuwento ni Ruffa.

Magla-lunch din sila ng pamilya Gutierrez after ng graduation niya bukas sa PICC.

Yes, sobrang excited na si Ruffa sa kanyang graduation.

Bongga!

Lani, mabenta pa rin

Bongga rin si Lani Misalucha dahil mabiling-mabili siya sa Amerika at Canada ngayon.

Kaliwa’t kanan ang shows niya.

Kasama si Lani sa GMA Pinoy TV 17th anniversary concert on Sept. 24 & 25 sa Pechanga Resort & Casino sa Temecula, California, pero a week before that ay may Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon (katabi ng isang kilalang outlets na puntahan din ng mga Pinoy celebrity kapag nasa California).

Si Lani ang pinaka-star sa Yesterday Once More concert ng Morongo Casino Resort & Spa samantalang sa Together Again ng Kapuso Network ay kasama niya sina Bea Alonzo, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose at Dingdong Dantes.

In fairness, kahit nagkaroon ng matinding sakit si Lani (pati ang mister niyang si Noli Misalucha) noong kasagsagan ng COVID-19 at nabingi pa nga siya, aba, ang bili-bili pa rin niya at galing na galing pa rin sa kanya ang fans, huh!

Marami pa kaming ibang shows na alam na si Lani ang headliner.

So bongga!

Take It!..., nami-miss ng fans!

In fairness, Ateng Salve, ang daming fans ang nakaka-miss sa Take It! Take It! Me Ganon?! online nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu sa Pilipino Star NGAYON Facebook page, huh!

Sabi nga ng ilang nakausap namin sa Los Angeles, California, sana raw ay gumaling na si Manay Lolit para kayanin na niyang makapag-online show.

Anyway, kahapon ay kausap namin si Sneezy McDonald na daughter ni Manay Lolit at tinanong namin kung anong pagkain ang gusto ng kanyang nanay at padadalhan ko.

Sey ni Sneezy, gusto raw ng kanyang nanay ng masarap na laing, kaya naman naghahanap ako ngayon ng magaling magluto no’n.

Craving nga raw talaga si Manay Lolit for laing.

‘Yun na!

vuukle comment

PICC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with