Jessica muntik mag-suicide dahil sa mga kaso ng asawang si David Bunevacz
LOS ANGELES, CA. — Alam mo, Ateng Salve, sa labas pa lang ng Walt Disney Concert Hall sa DTLA (downtown Los Angeles) ay nakita ko na kaagad ang former actress-talent manager na si Jessica Rodriguez.
Akala ko noong una ay iiwas si Jessica, pero siya pa ang unang bumati nang lumapit ako sa kinaroroonan nila ng personal manager ni Martin Nievera na si Joy Alonzo.
Kasalukuyan kasing nakakulong ngayon ang mister ni Jessica na si David Bunevacz dahil sa charges of defrauding cannabis-industry investors, na ayon pa sa balita ay, “Appearing before a federal judge in California’s Central District, Bunevacz pleaded guilty to one count each of securities and wire fraud.”
Nasa nasabing lugar si Jessica dahil manonood siya ng 40th anniversary concert ni Martin, ang M4D (Martin 4 Decades).
Bago matapos ang nasabing concert, nakita namin sa loob ng venue si Jessica at nagkachikahan kaming dalawa.
Ang sarap lang dahil nag-reminisce kami noong early 90’s na sobra kaming naging close sa isa’t isa.
Samantala, nagulat ako nang mag-open-up si Jessica na muntik na siyang mag-take ng pills. Gusto na raw talaga niyang mag-suicide dahil down na down na siya sa nangyari sa buhay nila.
Nasabi pa ni Jessica na walang-wala na siya ngayon. Wala raw siyang pera, pero nahimasmasan naman siya at hindi itinuloy ang pag-inom ng ‘tableta.’
Sa ngayon, pilit daw na nagpapakatatag si Jessica para na rin sa kanyang mga anak.
Gusto ring isipin ni Jessica na makakaahon din siya at ang kanyang mga anak sa pinagdaraan nilang hirap ngayon dahil sa September 7 ay ilo-launch na ang reality TV series ng E!, ang Raising a F___ing Star na kasama siya at ang kanyang isang anak.
Sana nga raw ay mag-click ang nasabing reality TV series para makabawi sila sa kanilang pinagdaraanan ngayon.
Sa chikahan pa rin namin, nilinaw ni Jessica na wala siyang kaalam-alam kaugnay ng kasong kinasasangkutan ng kanyang mister.
Karibal ni Martin na si Gary V., suportado ang kanyang 40th anniv concert
Surprise guest naman ang international singer na si Apl.de.ap sa M4D.
Ang napabalitang boyfriend ni KC Concepcion ang nag-introduce ng video greetings for Martin’s 40th anniversary.
Isa sa mga nagsalita roon ay si Gary Valenciano na sinasabing number one na kakumpetensiya ng Concert King, pero in fairness, “Bro” o brother ang tawagan at turingan nila.
Nasabi nga ni Mr. Pure Energy na malaking bagay ang nagawa ng pagtatapat sa kanilang dalawa para pareho silang magtagumpay sa kani-kanilang career.
So sweet of Gary sa video message niyang ‘yon for Martin na ikinatuwa ng mga nanood ng M4D.
‘Yun na!
- Latest