^

PSN Showbiz

Inigo, cameo role lang sa American movie?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Inigo, cameo role lang sa American movie?!
Inigo.

Kasama raw si Inigo Pascual sa isang Hollywood series. Nakita pa siya sa trailer. Pero ang totoo, iyon ay parang cameo role lamang. Iyon ang seryeng Monarch na hindi gawa sa Hollywood kundi iyong tinatawag na “off Hollywood.”

Ang producer noon ay Fox Corporation na nasa New York. Sila ang may-ari ng Fox News Channel at gumagawa rin ng pelikula, pero iba ang legendary company na 20th Century Fox na ngayon ay nabili na ng Walt Disney Corporation. Iyong natirang bahagi na hindi binili ng Disney, iyon ang naging Fox Corporation, kaya ang ginawa ni Inigo ay hindi “Hollywood.” Sa America oo, pero hindi dapat sinasabing dahil gawa sa America ay Hollywood na.

Gaya rin iyan ng sinasabi nila noong nakagawa ng isang American movie si Cesar Montano, na siya raw ang star ng pelikula at pinapirma pa ng contract ng Miramax. Iyong Miramax ay hindi producer, kundi bumibili lang ng mga independently produced films at sila ang distributor lamang. Maikli lang din ang role ni Cesar, at nang makakuha kami ng original copy sa DVD, nakita naming hindi pala siya top billing. Iyong ad layout na ginamit sa Pilipinas ay siya ang top billing para makakuha lang ng pansin ng local audience.

Direk Romy, sa linggo pa iki-cremate

Hindi naman siguro masasabing hypocrisy iyon, pero naging kaugalian na nating mga Pilipino na basta ang isang tao ay yumao na, nagkaroon man siya ng ilang kaguluhan o pagkakamali sa kanyang buhay ay kinakalimutan na iyon. At kung mayroon mang hindi pagkakaintindihan sa pamil­ya, isinasantabi na muna iyon.

Kaya nga sinasabi namin, hindi rin namin nagustuhan ang mga kuwento matapos na yumao si direk Romy Suzara. Isa si direk sa mga pinakanirerespetong tao sa industriya. Hindi lamang siya nakilala dahil sa mahuhusay na pelikulang kanyang ginawa, kilala rin siya dahil sa mahusay niyang pakikisama sa lahat ng mga taga-industriya.

Ang isa pa nga sa natatandaan namin ay ang matiyaga niyang pagdidirek ng Sunday mass na napapanood noon sa ABS-CBN para maganda iyong mapanood sa telebis­yon.

At saka noon makikita mo, dinarayo ng mga tao ang mga misang iyon. Noong nagkaroon ng pandemya, tapos ay nawalan pa ng prangkisa ang ABS-CBN, napansin naming sila-sila na lang ang gumawa noon. Iyon pala, kasabay halos ng pandemya ay nagkasakit na si direk at labas-pasok na sa ospital.

Nagkaroon daw siya ng problema sa kanyang pelvic bone na kailangang palitan ng titanium. Ganyan basta nagkakaedad na at ang trabaho niya bilang director lalo na nga sa telebisyon ay laging nakaupo.

Nagkaroon din daw siya ng emphysema, at komplikasyon sa kanyang puso, kaya nada­la siya sa Philippine Heart Center for Asia.

Ang nag-asikaso naman pala at pumir­ma ng mga papeles ay ang kanyang pamangking si Arnel Valmonte. Siya rin daw ang pumirma ng promissory note, ibig sabihin ay mananagot sa 2.2 milyong naiwang hospital bills. Iyon naman daw titanium na ginamit na sinasabing nagkakahalaga ng P85K, ang nagbayad naman ay ang anak ni direk na si Maridel na nasa Amerika.

Pero may ibang mga taga-showbiz na ibang kuwento ang narinig, kaya siguro nagkaroon pa ng problema.

Sana hindi na ungkatin pa iyon.

Ang mga labi ni direk Romy ay nasa St. Peter Chapels sa Quezon Avenue, at ang cremation niya ay sa Linggo ng umaga.

Anak ng female star, nilalait sa kapangitan ng ugali

“Ang pangit talaga niya,” remark ng isang kausap namin nang makita sa social media ang picture ng anak ng isang female star, na kasama ang buong pamilya. “Siya ang pinakapangit sa kanilang lahat,” sabi pa niya.

“At bastos pa, napakapangit pa ng ugali,” sabi naman ng isa pa.

Well, baka ‘di naman kasi niya alam na panget siya.

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with