‘Di na kailangang hiwain...Judy ann naluha sa presyo ng sibuyas!
Naiyak si Judy Santos sa presyo ng puting sibuyas.
Kung noon daw maluluha ka lang sa sibuyas pag naghihiwa ka, pero ngayon, maisip mo pa lang ang presyo, kakaiyak na.
Aniya sa kanyang IG stories: “Sibuyas na puti!! Nakakaloka ka! Dati kelangan ka munang hiwain bago maluha... ngayon, naiisip pa lang kita naiiyak na ko sa presyo mo!” aniya sa kanyang unang post.
“Pero dahil kelangan kita... kesa mas kailangan mo ko, huhug kita at nanamnamin kita bago kita iluto... importanteng namnamin ka bilang 550 ka per kilo! Kalers!”
Imagine si Judy Ann na malaki ang kita, naiiyak sa sibuyas, paano na lang ‘yung mga ordinaryong manggagawa na mahilig kumain.
Hindi lang ang sibuyas ang mahal ngayon. Lahat ata ng gulay, parang hindi na pang-masa.
Yung cauliflower, mahigit P500 ang presyo ng isang piraso.
Literal na nakakaloka nga.
- Latest