Tirso Cruz, nangakong ‘di puro dada ang gagawin!
Dumalo ang bagong Film Development Council of the Philippines Chairman Tirso Cruz III sa awards night ng 2022 Cinemalaya na ginanap sa Cultural Center of the Philippines nung Linggo ng gabi.
Kagagaling lang niya ng Locarno International Film Festival na ginanap sa Locarno, Switzerland.
“Locarno was hot!” bulalas ng bagong FDCP Chairperson’. “But was a very successful trip for me, my first festival…” dagdag niyang pahayag.
Na-meet daw niya roon ang director ng naturang international film festival na si Giona Nazzaro, at iba pang stakeholders kasama ang mga producer na naghanap ng mga co-producer.
Ang unang priority naman daw ngayon ng FDCP sa ilalim ng kanyang pamumuno ay mabibigyan ng suporta ang mga filmmaker ng tamang exposure sa buong mundo.
“Priority is to support of course ang mga local filmmaker natin. Iyun ang thrust ng FDCP ngayon. To support local filmmakers for global exposure,” pakli ng FDCP Chairman.
Sa kanyang talumpati nung gabing iyun ay nangako si Tirso na ang sampung mapipili ay bibigyan ng FDCP ng tig-isang milyong piso sa full-length at tig 100 thousand pesos sa short films matapos i-announce ang 20 na semi finalists para sa Cinemalaya 19 2023. Sampu ang pipiliin sa full-length at sa short film. “This festival has empowered the search for new kinds of films, new meanings to the being Filipinos seen on the screen. This is why Cinemalaya is important.
“Cinemalaya is not about celebrities. It is about discovering and honoring artists. Ito rin po ang direksyon na tatahakin ng Film Development Council of the Philippines ngayon.”
Binanggit ni Tirso ang mga kilalang director, writer, artista at iba pang mga alagad ng pelikula na produkto ng Cinemalaya. “Isipin na lamang ninyo. Dan Villegas, Chris Martinez, Martika Escobar, Sigred Bernardo, Francis Pasion, at Eduardo Roy.
“Names who have redefined the directions of Philippine Cinema. Lahat sila nag-premiere ng kanilang obra sa entabladong ito sa pamamahala ng Cinemalaya,” saad ni Chair Pip.
Nagpasalamat din siya sa mga katulad nina Direk Lav Diaz at Brillante Mendoza na nagbigay ng marka sa international scene.
Kaya sisikapin daw niya na mabibigyan ng atensyon ang mga bago nating filmmakers na maaring mapansin sa ibang bansa.
“Hindi kami tungkol sa pagpapabida lamang. Hindi kami tungkol sa pag-usad ng sino mang personalidad. Dadaanin namin sa gawa at hindi lamang po sa dada.”
Max, inalay ang best actress award sa tiyahing si Cherie Gil
Congratulations sa lahat na nanalo sa katatapos lang na Cinemalaya 18.
Nahulaan na si Max Eigenmann ang mananalong Best Actress dahil magaling naman talaga siya sa dalawang pelikulang pinagbidahan niya, ang 12 Weeks at Kargo. Nanalo siya sa 12 Weeks ni Direk Anna Isabelle Matutina.
Ito rin ang pelikulang nakakuha ng Netpac award.
Halatang pinipigilan ni Max na maiyak sa kanyang acceptance speech na kung saan ay inalay niya ang naturang award sa namayapa niyang tiyahin na si Cherie Gil. “Pinipigilan ko siya talaga,” bulalas ni Max nang nakapanayam ko pagkatapos ng awarding.
Ibinahagi rin niya ang kanyang award sa kanyang non-showbiz partner na si Anthony Santiago na laging sumusuporta raw sa lahat na ginagawa niya. “Of course my children for being my number one inspiration. My dad and Tita Cherie, for being constant reminder to me that hard work must paid off,” sabi pa ni Max.
Nanalong Best Actor naman ang theater at indie actor na si Tommy Alejandrino ng pelikulang The Baseball Player na sinulat at dinirek ni Carlo Obispo. Ito rin ang nagwaging Best Picture.
Nanalong Best Supporting Actor si Soliman Cruz ng Blue Room at si Ruby Ruiz naman ang Best Supporting Actress ng pelikulang Ginhawa.
Sa Short Films naman ay big winner ang Black Rainbow ni Direk Zig Dulay na nanalong Best Short Film at Best Screenplay. Siya rin ang nanalong Best Editor sa full-length film na The Baseball Player.
- Latest