MIM, naka-P164 milyon na
Ang bongga ng announcement kahapon ng Viva Films dahil naka-P164 million total gross to date na raw ang Maid in Malacañang movie nila.
Sabi nila, “Kapag lalong inaapi, mas lalong tumitindi! Ang tindi talaga ng suporta at pagmamahal ng sambayanang Pilipino sa Maid in Malacañang dahil umabot na tayo sa P164 million total gross to date! Maraming salamat sa pagiging bahagi ng pagpapasiglang muli ng Philippine cinema!”
Noong Monday na 6th day of showing ng pelikula ay naka-24 million gross daw sila.
Eh, sa Friday, showing na around America ang Maid in Malacañang kaya lalo pang lalaki ang kita ng pelikula.
Bongga!
Karla, ‘di na nagdrama sa pag-alis ng anak na nag-aaral sa Australia
Sad si Karla Estrada last week dahil umalis pa-Melbourne, Australia ang anak niyang si Magui Ford.
Doon nag-aaral si Magui. Bale 3rd year college na siya at Major in Psychology ang kinukuha niya ayon sa kanyang tatay.
Hindi na raw naghatid sa airport si Karla. “Si DJ (Daniel Padilla) ang naghatid sa kanya sa airport this time at ayaw na nila ng drama ko sa airport,” sey ni Karla nang maka-text namin kahapon.
Sa isang group chat nga ay sinabi ng isa sa mga bida ng Maid in Malacañang na sobrang sad siya dahil paalis na uli last week si Magui.
In fairness to Karla, sobrang lapit talaga siya sa mga anak.
Actually, noong Monday nga, from the airport (galing sila ng Laoag City), dumiretso si Karla sa endorsement shoot ni Daniel dahil miss na raw niya ang kanyang panganay na anak.
Nice!
Finale episode nila Coco, ‘di pa sino-shoot
Tama ba ang chika na sa Thursday pa isu-shoot nina Coco Martin ang finale scenes ng FPJ’s Ang Probinsyano?
Sa Friday kasi ang finale episode ng nasabing action-drama series ng ABS-CBN.
Matindi raw ang ending ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya dapat tutukan.
Actually, Ateng Salve, ang mga kakilala ko sa Amerika na subscribers ng TFC (The Filipino Channel) ay excited nang manood ng finale episode ng series at gusto nilang malaman kung ano ang mangyayari sa character niyang si Cardo Dalisay.
‘Yun na!
- Latest