Socialite / host na si Tessa Prieto, grabe ang trauma at depression sa hiwalayan nila ng asawa
Isa sa nagpasaya sa media launch ng AQ Prime at Director’s Cut na Streaming app ay ang socialite / host Tessa Prieto na hindi na pala gamit ang Valdes sa kanyang apelyido.
Kaswal na sinabi ni Tessa sa aming hiwalay na sila ng asawa niyang si Dennis Valdes, at ibinahagi niya kung ano ang mga pinagdaanan niyang therapy at treatment para malagpasan ang trauma at depression dahil sa hiwalayang ‘yun. “Moving forward and choosing my new chapter,” pakli niya.
“It was very painful, and of course I felt the betrayal. But in the end after a year and a half I decided, it’s time that it wasn’t mine to fix but mine to let go,” dagdag niyang pahayag.
Malaking bagay raw ang suporta ng mga malalapit na kaibigan at mga anak niya. Pero iba-ibang therapy ang sinubukan niya bilang bahagi ng pag-move on. “So nice. And I feel that my journey at this point but more peaceful with my kids, and I want to do is to share my healing with others.
“That it’s actually… of course it’s very traumatic and negative. But it’s so easy if you have support groups. If you have people that love you, and that see you in that new phase you are…the friends,” masaya niyang pahayag.
“All kinds of healing ginawa ko na. Especially… of course, there’s trauma healing, there’s therapy, there’s little therapy. Of course in the end, it’s gone.
“Very spiritual. Everything. Sound healing, gong. Therapy. Talk therapy, lalo na retail therapy, lahat ng therapy. Horse equine… name it,” napapangiti niyang kuwento.
Na-curious ako na pati ang kabayo ay nagamit niya sa kanyang therapy. “Eto na nga. Pati kabayo. You have therapy with the horse. Not ride it, but walk the horse. And commanding the horse, apparently is very therapeutic.
“Tapos meron akong sound healing. Meron akong gong bath.
“I went to the States for four months. I went to Santa Fe, I went to a Shaman. Shaman is parang manghihilot na parang may pagka-exorcist.
“Then, I went to parang trauma therapy, tight rope, lahat, everything.
“As much as like you know parang for drug addiction and for alcoholic anonymous. Meron ding therapy for healing for marriages,” dagdag niyang pahayag.
Hindi raw ganun kadali at mahirap burahin ang 26 years na pagsasama. Kaya ayaw na niyang magsalita ng ‘di maganda laban sa kanyang asawa. “I had a wonderful marriage. No regrets. 26 years. It was wonderful. It was wonderful.
“I think you know things happen, and I’m one not to bash my husband. He’s still the father of my kids. I love him so. But you know, we have moved on.”
Nagpapasalamat siya sa kanyang mga anak na naintindihan ang kanilang pinagdaanan. “They are the most evolved. They’re the ones to say ahhh…they get it more than me. Parang move on, do not stay on our account.
“Ang galing. They understand naman.”
Hindi pa raw siya handa sa annulment, pero pinag-uusapan daw nila ni Dennis ang mga dapat ayusin. “It’s very long, and very painful. So, I will see. Pause muna on that side.
“I’ll take care of my heart first. Let it flow lang muna. If ever, siguro it’s called separation of properties. So, that’s what we are doing. But not ‘yung annulment.
“Whatever, we eventually give it to the kids. I need to protect my kids.
“We jointly file it. That’s the only thing. ‘Yun lang,” seryoso niyang pahayag.
Handa na ba si Tessa Prieto na magmahal uli? “Everything is possible. And everything is possible also for second love. Yes, on a record yes!
“Now, it’s like my time to explore. Exploration!
“I wanna be a cougar. I can end up with that!,” natatawa niyang pahayag.
May pinag-uusapang project sina Tessa at RS Francisco na siyang Creative and Business Manager ng AQ Prime.
Abangan na lang daw kung ano ang gagawin niyang programa para sa naturang streaming app.
Top Class, nagbigay ng wildcard
Naging emosyonal na naman ang tanggalan sa Top Class: Rise to P-Pop Stardom nung nakaraang Sabado.
Sa pangatlong tanggalan ay nagpaalam sina trainee Justine, Niko, Dean, Francis, Clyde at Kenzo.
Pero pagkatapos ng tanggalan, in-announce kaagad ni VJ Ai dela Cruz na magkakaroon ng limang wildcard na trainee. Sila ‘yung mabibigyan ng pagkakataong makabalik at puwedeng manalo sa naturang kumpetisyon. Nagbalik bilang wildcard trainee sina Clyde, Dean, E.L, Gab at Niko.
Sa mga gustong bumoto para suportahan ang paborito nilang trainee, huwag kalimutan na hanggang Biyernes ng 11:59 ng gabi lang puwedeng bumoto.
- Latest