Marlo ‘di makalimutan ang mga sinabi ni Cherie Gil!
Eksaktong August 8 ng 8 ng umaga ay inilunsad ang streaming app na AQ Prime and Director’s Cut.
Nagkaroon na rin ito ng press launch na ginanap sa Luxent Hotel kahapon at isa sa mga pelikulang unang ipalalabas sa AQ Prime ay ang pelikulang dinirek ni Joven Tan, ang Huling Lamay na tinatampukan nina Buboy Villar, Marlo Mortel, Lou Veloso at mga bagong stars ng AQ Prime.
Nakatsikahan namin doon si Marlo at nabanggit niyang aalis pala siya pa-Amerika ngayong araw.
Isa raw siya sa ibang Kapamilya stars na magkakaroon ng immersion sa Los Angeles, California.
Project daw ito ng Star Magic, pero hindi pa raw puwedeng sabihin kung para saan ang gagawin nilang immersion doon. Pero ilan sa makakasama niya ay sina Andrea Brillantes, KD Estrada, Alexa Ilacad, at Maymay Entrata.
Nabanggit din niya ang naging encounter niya sa namayapang aktres na si Cherie Gil.
“It was a short but deep conversation that I had with Ms. Cherie Gil, kasi nagpunta kami way back 2017 para sa international film festival.
“Nung panahon na ‘yun na-open heart surgery ang Mommy ko. So, I was super troubled at that time. So, nung nag-iinuman kami ni Ms. Cherie Gil, siya ang naga-advice sa akin.
“Sabi niya, you should be strong for your mom, kasi Cancer is a sickness na kailangan talaga ng matinding assistance. But you also have to enjoy life at huwag pababayaan ang sarili mo kasi nang malaman niya na ako ang breadwinner ng family,” kuwento ni Marlo.
Sa pagkakaalam daw niya ay nung panahong iyun ay wala pang Cancer si Cherie. Kaya sobrang na-appreciate daw niya ang mga ipinayo sa kanya ng batiklang aktres.
Hindi raw sila ganun ka-close ng namayapang aktres, pero nakapalagayan daw niya ng loob dahil napakabait daw nito sa kanya.
“She was super kind. Kabaligtaran nga ng mga nasa pelikula niya. Sobrang nice niya. Mga tatlong araw kaming nag-bonding, and nag-iinuman.
“Nagsasayaw siya kanta kanta. So, I was so shock when I found about this. Hindi man kami super closed, pero the words and wisdom that she shared with me will forever live on,” pahayag ni Marlo.
Coco, huling linggo na
Ngayon ang huling linggo ng Ang Probinsyano ni Coco Martin, at understandable naman kung matataasan nito sa rating ang Lolong.
Pero matibay pa rin ang drama series ni Ruru Madrid dahil lumalaban talaga at consistent pa rin siyang mataas.
Nung nakaraang Biyernes na kung saan ay pinatay na sa Ang Probinsyano siya Lily (Lorna Tolentino) at Armando (John Estrada), tumaas ang combined ratings nila na 14.5 percent ang combined ratings nito. Ang Lolong ni Ruru ay 15.5 percent.
Pero ang isa sa ikinagulat namin ay lalong tumataas ang Family Feud ni Dingdong Dantes.
Naka-13.4 percent na hindi pa nangyari sa ganung timeslot.
- Latest