^

PSN Showbiz

Derek Ramsay III sumubok sa Hollywood, inaabangan kung mapapantayan ang kuya

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Derek Ramsay III sumubok sa Hollywood, inaabangan kung mapapantayan ang kuya
Mike, Warren, Andrew & David
STAR/ File

Interesting ang pelikulang Living in the Dead of Night.

Isa itong neon-noir short film na sinusundan ang kuwento ni Hunter, isang sheltered teenage na naghahanap ng kanyang puwang sa sleepless metropolis.

Bata pero nalantad sa droga, sex and crime, si Hunter, nang napasama siya sa isang psychedelic hotel room adventure sa pangunguna ng isang dubious drug dealer who takes advantage of the sheltered Hunter.

Pero naisip ni Hunter ang kanilang ginagawa kaya’t umalis siya at naghanap kung paano makakabalik sa normalidad.

Naligaw si Hunter pero may isang magandang babae na magbibigay sa kanya ng pagkakataon na makaalis sa masamang kinasadlakan.

Makikita rin dito kung paano mawawala ang kainosentehan ng isang kabataan sa isang iglap lang.

Base ito sa totoong mga pangyayari.

Maayos ang pagkakagawa ng pelikula at malinaw ang mensahe.

Ang youngest bro ni Derek Ramsay na si Andrew Ramsay ang isa sa mga bida rito kasama si Andre Miguel ang batang hinahanap ang sarili, directed kay Cutaway Productions founder and producer/director David Olson at executive producers sina Warren Carmen and Mike Stamati.

Grupo sila ng mga kabataan na passionate sa filmmaking at maraming mga binabalak na pelikula.

Since 30-minute film and Living in the Dead of Night, plano nilang isali ito sa mga international film festival.

Samantala, handa ang kapatid ni Derek na makatrabaho ang sister-in-law niyang si Ellen Adarna sakaling may dumating na pagkakataon.

Youngest sa magkakapatid nila Derek si Derek Andrew Ramsay na kilala ring Derek Ramsay III.

Nag-aral siya sa Amerika at sinubukan ang kapalaran sa Hollywood.

Natanggap siya sa International Baccalaureate (I.B.) kung saan kumuha ito ng English Literature and Theatre Arts.

At pinapagpatuloy niya ang kanyang ac­ting career sa abroad nang tanggapin siya sa Liverpool Institute for Performing Arts (LIPA) and Cambridge School of the Arts (parehong sa England). ?

Tumira rin siya sa Los Angeles at nag-aral ng Acting for Film at the New York Film Academy.

At sa pag-asang makagawa siya ng pangalan sa pelikula, nag-audition siya para sa isang papel sa Ginhawa, isang feature-length para sa 2022 Cinemalaya Film Festival.

Ang kanyang karakter na si Anton Banal ay isang mahirap na boksingero na nangangarap na sumikat.

Habang ang karamihan sa mga pelikulang nagtatampok ng mga atleta ay sumusunod sa kanilang daan patungo sa tagumpay, iba ang sinasabi ng Ginhawa.

Masusubukan si Andrew sa Living in the Dead of Night at Ginhawa kung malalagpasan niya ang mga narating ng kanyang kuya Derek sa showbiz.

DEREK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with