^

PSN Showbiz

Kim Atienza, pinutakti sa statement na ‘M to M’ ang monkeypox

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim Atienza, pinutakti sa statement na ‘M to M’ ang monkeypox
Kuya Kim
STAR/ File

Nag-apologize si Kim Atienza sa M to M (man to man) statement sa pagkalat ng Monkeypox na ngayon ay meron nang isang kaso sa bansa.

Maraming natatakot na miyembro ng LGBTQ sa kasalukuyan dahil sa paglaganap nito sa mga nasa third sex na nagdudulot ng hindi komportable pakiramdam sa mga miyembro ng LGBTQ.

“Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry.

“...I am also wrong in saying it’s usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F F to F.”

Nauna niya kasing sinagot ang isang follower na nagtanong ng “@kuyakim_atienza ano po ang pinagkaiba ng chicken pox sa monkey pox # KuyaKimAnoNa.”

Kuya Kim: “Chicken pox is less severe and the virus is airborne. Monkey pox is sexually transmitted, usually M to M.”

Kilalang nagbibigay ng mga impormasyon sa mga bagay-bagay si Kuya Kim.

Homophobic daw ang dating at lumalabas na ang Monkeypox ay sakit na nakukuha sa pakiki­pagtalik ng mga lalaki sa lalaki.

Muling nag-tweet ang Kapuso host at sinabing :

“From WHO: Monkeypox virus is transmitted from one person to another by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets and contaminated materials such as bedding.”

Kinatatakutan na rin sa bansa ang monkeypox dahil kalat na ito sa ibang bansa.

At ang mga sintomas nito :

Rash with blisters on face, hands, feet, eyes, mouth and/or genitals

Fever

Swollen lymph nodes

Headaches

Muscle aches

Low energy,” ayon sa website ng WHO.

KUYA KIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with