^

PSN Showbiz

Madam Inutz, walang ginastos ginastos sa pagpaparetoke ng ilong

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Madam Inutz, walang ginastos ginastos sa pagpaparetoke ng ilong
Madam Inutz
STAR/ File

Kamakailan ay sumailalim sa rhinoplasty procedure si Daisy Lopez o mas naki­lala sa tawag na Madam Inutz. Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate ay may nag-alok sa kanya na isang aesthetics and wellness center nang libreng operasyon kaya hindi nagdalawang isip na magparetoke ng kanyang ilong. “So why not, ‘di ba? Hindi maglalabas si Madam Inutz ng daan-daang libo para lang sa ilong ko,” bungad ni Madam Inutz.

Aminado ang sikat na online seller na talagang matagal na niyang pinapangarap na makapagpaayos ng ilong. “Pangarap ko talaga noon pa. Kahit noong nag-a-abroad ako, noon ko pa gusto na ipaiba ‘yung ilong ko dahil nga hindi naman perpekto,” giit niya.

Para kay Madam Inutz ay wala naman masama sa ginagawang pagpaparetoke ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng katawan. “’Yung mga ano diyan ah, ‘wag n’yong masamain ‘yung mga taong gustong magpaa­yos ng kanilang mga itsura. Siyempre dagdag confidence din. Hindi naman porke’t nagpagawa ka is hindi ka na kuntento sa kung ano man ang meron ka. Kumbaga gusto mo lang din mag-level up pa. Siyempre bilang public figure ka na, bilang kilala ka na, nando’n na rin ‘yung kailangan mo na ring magpaganda at i-upgrade ‘yung sarili mo, ‘di ba,” paliwanag ni Madam Inutz.

Rachel, pangarap pang makasali sa international musical film

Sa mahigit tatlong dekada ng pagi­ging aktibo sa music industry ay wala na raw mahihiling pa si Rachel Alejandro sa kanyang career. Masaya ang singer dahil hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatangkilik ng mga tagahanga ang kanyang concerts. “Honestly, wala na eh. At this age, let’s be honest, I’ve been in the industry for 30 plus years. We’re very lucky to still be performing on stage, doing concerts. But the time has passed for our songs to be the big hits, the monster hits that they were in the day. Even our biggest stars now, the concert kings and queens of the Philippines, whatever we do, ang talagang hihilingin ng mga tao sa amin are the songs that we made popular when we were all younger. Pati ‘yung fans namin when we were younger, too. Even if we release more albums, it’s nice but at the same time we will always be known for our past hits. Our heyday was always no’ng ‘90s, ‘80s, ‘70s,” paliwanag ni Rachel.

Bilang isang aktres naman ay mayroon pa raw mga pinapangarap na magawa si Rachel. “As far as a singer, I cannot think of anything anymore. But as an actress, marami pa. Maraming-marami pa akong gustong ma-achieve. I would love to maybe someday be part of an international film that is a musical. I would so love that. I would love to have a truly international project that will showcase our music and my singing as well,” pagbabahagi ng beteranang mang-aawit. (Reports from JCC)

DAISY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with