^

PSN Showbiz

Mga may sakit, nagiging sensitibo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Siguro, Salve, baka hindi na ako member ng PAMI  (Professional Artists Management Incorporates) hindi ko lang alam dahil inilihim nila ang pag-fire sa akin, hah hah hah.

Imagine mo na kahit hindi ko ka-close nag-text to check on me, pero ang PAMI dedma.

Siguro nga hindi naman importante ang kondisyon ko para sa kanila, kaya dedma lang.

Ok lang noh, walang problema. Kaya ngayon dahil ganyan ang attitude nila bakit ba kailangang isipin ko kung alaga ng isang PAMI member ang alam ko na nanganak o GF ng isang action star/politician.

Mula ngayon, ‘pag may alam akong news about sa alaga nila puwede ko nang sabihin at hindi bigyan ng proteksiyon.

Ganun pala ang gusto nila, sige lang. Dahil hindi naman nila ako type ok lang. Hah hah buti pa ang SPEEd (Society of Philip­pine Entertainment Editors, Inc.) balak akong padalhan food pero sabi ko huwag na dahil ang dami ko ng food.

Tampo ako dahil baka dahil nga sa ‘love affair’ namin ni Bea Alonzo ayaw na ng PAMI sa akin, siyempre magkakampi sina Shirley Kuan at Dolor Guevarra, kaya ang ibang members silent lang.

Ok lang, tutal back to normal na naman ako, magmaldita uli ako. Hah hah, horror na naman ang dala ko, hindi na drama, heh heh heh!

Naisip ko ito dahil na-insecure ako kahapon dahil hindi ako tinext ni Salve. Hahaha.

Nasanay na ako na may nagti-text sa akin everyday kaya ‘pag wala akong natanggap parang nagtataka ako.

Ang apat na oras pa naman sa dialysis parang buong araw feeling mo.

Kamuntik ko ‘di tapusin at ipahihinto ko na sana nang mapansin ko ‘yung nasa tapat ko na isang mentally impaired na dalaga na tahimik lang sa dialysis niya. Na-guilty talaga ako na para bang mas matino pa sa akin iyon dahil wala siyang complaint samantalang ako kung anu-ano ang sinasabi sa ginagawa ko.

Naku talagang going thru ako sa mga pagbabago ng buhay. Sensitive na ako ngayon sa mga bagay-bagay na dati hindi ko pinapansin. Ngayon alam ko na bakit ‘yung may sakit madaling mairita, dahil nga may pagbabago sa kanila emotionally. Be patient with me, basta Lolit kulit pa rin ako, hah hah hah.

PAMI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with