^

PSN Showbiz

Beach body ni AJ Raval ipinasilip sa gitna ng kontrobersiyang buntis

Philstar.com
Beach body ni AJ Raval ipinasilip sa gitna ng kontrobersiyang buntis
Screenshots mula sa Instagram account ni AJ Raval.
Instagram/ajravsss

MANILA, Philippines — Ipinasilip ng akres na si AJ Raval ang kanyang beach body sa kanyang Instagram Reel— ito’y sa gitna ng mainit na balitang nabuntis siya ng aktor na si Aljur Abrenica. 

Sa kanyang post sa Instagram, makikita si AJ na nakasuot ng puting two-piece swimsuit at naliligo sa beach.

Flat na flat rin ang kanyang tiyan na walang bakas na buntis ito, ngunit hindi naman sinabi kung kailan ito kinuhanan. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Matatandaang nito lamang nakaraang Linggo nang isiwalat ng kolumnistang si Cristy Fermin na diumano’y buntis si AJ at si Aljur Abrenica nga ang ama. 

"Walang nagsasalita sa magkabilang kampo. Tumigil na rin si AJ sa paglalabas ng mga larawan na flat na flat ang kanyang tiyan. Pero hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila na aming source. Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval," ani Cristy sa Showbiz Now Na sa episode noong Hulyo 19. 

Inilahad pa ng kolumnista na ito raw ang dahilan kung bakit hindi na nito tinapos ang movie project na nasimulan na niya. 

Mariing itinanggi naman ni AJ ang balitang ito sa isang text message sa News5. 

Hindi rin daw umano totoo ang sinasabi ni Cristy na kaya hindi na natuloy ang supposed project niya ay buntis siya. Ayon sa aktres, nagpositibo siya at mga kasama sa set sa COVID-19 sa gitna ng shoot kaya naman hindi na raw gumulong ang movie project nila. 

July noong nakaraang taon umugong na si AJ ang dahilan ng hiwalan ng mag-ex-partner na si Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

Wala pa rin pahayag ang kampo ni Aljur Abrenika sa bali-balitang magiging daddy na naman siya. Matatandaang may dalawang anak si Aljur sa dati niyang asawang si Kylie Padilla. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan

vuukle comment

AJ RAVAL

ALJUR ABRENICA

CRISTY FERMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with