^

PSN Showbiz

Joaquin Domagoso, hindi napigil si ex-yorme na kumpirmahin ang kanyang baby

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Joaquin Domagoso, hindi napigil si ex-yorme na kumpirmahin ang kanyang baby
Joaquin
STAR/ File

Ah parang ‘di nag-usap ang mag-amang si former Manila mayor Isko Moreno at anak na si Joaquin Domagoso.

Kung anong ingat daw ni Joaquin na pag-usapan ang tungkol sa kanyang first baby, kinumpirma naman ni dating Yorme na lolo na siya.

“Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God. Of course, I’m happy for Joaquin. Ha­ving a child, naturally, will create a certain mindset in terms of priorities,” aniya sa interview ng Modern Paren­ting.

Umamin din ang dating mayor na masayang-masaya siya sa kanyang pagiging lolo.

“It’s a God-given life. It’s a blessing. Growing up is a challenge and making a better life for everyone, your family, or even your apo is hard. But from another perspective, it’s a blessing. Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or two in this world,” pahayag pa ni Isko.

April pa lang ay pinag-uusapan na ang pagbubuntis ni Raffa Castro, sister ni Claire Castro na anak ni Diego Castro.

Actually, gusto naman din daw magsalita ni Joaquin pero may mga pumipigil dahil ang pakiramdam daw ng ibang taong concerned sa career ni Joaquin ay makakaapekto ito sa kanyang career.

Finally out in the open na at mismong si former Yorme ang nagkumpirma na siya ay isang lolo na.

Maligaya ang dating mayor na hanggang nga­yon ay kinaiinisan ng maraming Kakampink matapos ang matatalas na pahayag niya noon bago naganap ang election noong May laban kay former vice president Leni Robredo.

Finale trailer ng Probinsyano viral, mahigit 2 milyong views na

Nag-viral sa social media ang finale trailer ng FPJ’s Ang Probinsyano, tampok si Coco Martin, matapos bumuhos ang pagmamahal ng netizens para sa iniidolo nilang karakter na si Cardo Dalisay (Coco) – na ilang taong sinubaybayan gabi-gabi ng milyong mga Pilipino.

Pormal nang inanunsyo ni Coco na matapos ang halos pitong taon ay magtatapos na nga ang longest-running Philippine teleserye. Agad na nakakuha ang naturang video ng mahigit dalawang milyong views simula noong ini-release ito.

“Kahit man po matapos ang teleser­yeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo,” dagdag pa niya.

Ipinasilip din sa Ang Pambansang Pagtatapos finale trailer ang mga kaabang-abang na mga maaksyong eksena. Isa na rito ang paghahanda nina Cardo, Task Force Agila, at presidente Oscar (Rowell Santiago) para sa pinakamahalagang misyon nila kung saan susubukan nilang patalsikin si Lily (Lorna Tolentino) para tuluyan na nilang maibalik ang kapa­yapaan sa bansa.

Umaatikabo umanong ratratan ang dapat aba­ngan ng viewers dahil nakatakdang magharap sa huling pagkakataon ang buong pwersa ng Task Force Agila laban sa kanilang mga mortal na kaaway.

Darna ang papalit sa Ang Probinsyano, bagama’t habang sinusulat namin ito ay wala pang official announcement ang ABS-CBN.

JOAQUIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with