^

PSN Showbiz

BGYO, bida sa backstage pass channel ng viber ngayong Hulyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May ekslusibong pagkaka­taon ang BGYO fans na makausap ang kanilang idolo online ngayong buwan sa pamamagitan ng Backstage Pass channel ng Viber.

Ang BGYO ang unang P-Pop boy group na nag-take over sa VIP online community na mayroon na ngayong 780,000 members at nagbibigay ng tsansa sa fans na makipag-interact sa kanilang paboritong music personalities na para bang kasama nila ito backstage.

Siguradong matutuwa ang fans nina  Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate na ACEs sa virtual meet-and-greet experience na hatid ng Backstage Pass ng Viber sa pamamagitan ng personal chats at eksklusibong pictures, videos, giveaways, at stickers.

Inilunsad noong 2021 ang Backstage Pass channel ng Viber na layuning iparanas ang pakiramdam ng pakikipag-bon­ding ng fan sa kanyang idol sa isang meet-and-greet sa concert, na hindi karaniwang nae-expe­rience ng lahat.

 Samantala, inilabas na ng BGYO ang comeback single nitong Tumitigil Ang Mundo, na mayroon nang 190,000 Spotify streams at lagpas 300,000 music video views sa YouTube sa kasalukuyan.

 Nag-perform din kamakailan ang BGYO sa Tugatog Music Festival at Be You benefit concert na kapwa ginanap sa MOA Arena.

Maaring sumali sa Backstage Pass channel sa Viber para sa exclusive BGYO content!

vuukle comment

POP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with