^

PSN Showbiz

Sinaing ni Wil, siningsing ng may-ari ng wines kay Alodia

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sinaing ni Wil, siningsing ng may-ari ng wines kay Alodia
Alodia at Christopher
STAR/ File

Officially engaged na ang cosplayer star / content creator / gamer na si Alodia Gosiengfiao sa businessman na si Christopher Quimbo.

Posted sa kanyang social media account ang naganap na proposal sa ex ng PBB housemate na si Wil Dasovich na ngayon naman ay sinasabing karelasyon ni Carla, now Madeleine Humphries.

Last December lang sila nag-split kaya maraming nagulat na engaged na agad ang cosplayer.

Maalalang nag-trend early this year lang ang “Hi. Ako nga pala yung sina­yang mo” post ni Alodia na pakiramdam ng lahat ay sinagot ni Wil ng ‘Hi, ako nga pala yung sinaing mo.’

Kaya ang daming nag-comment na si Wil ang nagsaing iba ang kumain.

Pero nasupalpal sila ni Alodia, pinakita nito ang singsing sa comment na  “wala nang sinaing, siningsing na.”

President & GM pala ng Calabria Company Limited na gumagawa Novellino Wines ang mapapangasawa ni Alodia.

Pen Medina, nakaraos na sa spinal surgery

Nakaraos na sa spinal surgery sa beteranong aktor na si Pen Medina.

Kahapon ay nagpasalamat siya at nagbigay ng update sa kanyang kondisyon.

“Praise God for making my Spinal Surgery safe and successful. Maraming salamat sa aking Spine Surgeon Dr. Romel Estillore at kanyang team, my Anesthesiologist Dra. Lota Ticman at sa aking Ortho Doctor Dr. Misael Ticman, sa kanyang walang sawa at walang pagod na pagtulong at pag-alalay sa amin.

“Hindi pa po tapos ang aking laban, I will be needing more prayers as my medical team addresses the accompanying infection.

“Marami pong salamat sa lahat ng nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa akin. Marami pong salamat!” ang pahayag ni Pen na walang nabanggit kung vaccinated na ba siya kontra COVID.   

vuukle comment

ALODIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with