Julia Anne San Jose kay Rayver Cruz sa kaarawan nito: 'You know the rest'
MANILA, Philippines — Short but sweet message ang pagbati ng singer at aktres na si Julie Anne San Jose kay Rayver Cruz sa kanyang ika-33 na kaarawan.
Sa pagbabahagi ng mga larawan at video ng mga alaala na kanilang pinagsamahan sa buong taon, nagsimula ang mensahe ni Julie Anne sa pagsasabi kung gaano siya ka-proud kay Rayver — hindi lang dahil sa mga accomplishments niya kundi dahil na rin sa mga blessings na patuloy na dumarating sa aktor.
“Today is your day and I could not be more proud and happy about all the good things that are coming to you and what you have accomplished,” ani Julie Anne sa kanyang IG caption, Miyerkules.
“May you continue to inspire with all your passion and kindness because you make so many people happy and even a better version of themselves, even me.”
Sinabi ng mang-aawit na kung pinagdududahan ni Rayver ang kanyang sarili’t kakayahan, nasa tabi niya lang ito parati at patuloy na maniniwala sa kakayahan ng aktor.
“As the sun sets and today passes, always remember that you are amazing! You, in your own essence, are the best. I am more than grateful and blessed to witness this each day,” dagdag pa ng mang-aawit.
Pagtatapos na mensahe ng mang-aawit kay Rayver: “You know the rest”
Nagsimulang umugong online ang mga espekulasyon tungkol sa relasyon nina Rayver at Julie Anne noong Nobyembre 2021.
Samantala mas lalong nabuhay ang diwa ng kanilang mga fans ng batiin ni Rayver si Julie Anne sa kaarawan niya noong May 17 na may mensaheng “my everyday inspiration” sa caption.
Sa Instagram feed ng aktor makikitang palaging naka-tag si Julie Anne at kasama sa mga post nito.
- Latest