^

PSN Showbiz

Ibang showbiz personalities, ayaw pa ring magpabakuna!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May ilang showbiz personalities pala ang unvaccinated pa hanggang sa kasalukuyan.

Na mas pinili raw na uminom ng Ivermectin twice a week.

Ayon sa ilang source, ang nagpapagaan daw sa pakiramdam ng ibang celebrity na ‘di pa bakunado ay ‘pag nababasa ang statement ng Tennis champion na si Novak Djokovic.

Lumabas sa isang interview ni Djokovic na wala siyang planong magpa-vaccine.

Kapapanalo lang ni Djokovic sa Wimbeldon.

 Hindi nakakapasok ng Amerika si Djokovic dahil sa mandate green vaccine card.

Napag-usapan ang tungkol dito dahil sa magaganap na US Open sa August.

“I’m not vaccinated and I’m not planning to get vaccinated, so the only good news I can have is them remo­ving the mandate green vaccine card, or whatever you call it to enter the United States, or exemption,” ayon sa kanyang lumabas na interview sa childrenshealthdefense.org.

Isa si Djokovic, from Serbia, sa sinasabing greatest tennis ever ayon sa CNN.

At ito nga raw ang nagpapa-comfort sa mga local celebrity na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 kahit sinasabi ngayong hindi na papapasukin ang mga walang booster sa enclosed na lugar.

Ah so paano kaya sila nakakapasok sa mga lugar na naghahanap noon ng vaccine card?

Unless katulad sila ng ibang fake ang vaccine card.

May mga sumusuporta naman sa unvaccinated showbiz personalities pero maraming takot na silang lapitan ‘pag nakikita sila although marami rin daw hindi nakakaalam na hindi pa sila nagpapaturok laban sa COVID-19 na ngayon nga ay tumaas na naman ang bilang ng mga nahahawa.

Oo nga raw at parang karaniwang sakit na lang ito pero depende raw sa tatamaan ng virus.

Anyway, patuloy na pinagtatalunan kung epektibo ang Ivermectin sa COVID-19.

BAKUNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with