^

PSN Showbiz

Gabby walang paramdam, KC bumiyahe sa Sweden para sa kasal ng kapatid

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Si KC Concepcion mismo ang nagbalita sa pamamagitan ng kanyang social media account na nag-asawa na ang kapatid niyang si Cloie Skarne. Si Cloie ay anak ni Gabby Concepcion sa naging asawa rin niyang si Jenny Syquia. Matapos silang maghiwalay at makakuha si Jenny ng annulment ng kanilang kasal, nag-migrate na iyon sa Sweden, nakapag-asawang muli, at si Cloie ay in-adopt ng kanyang asawa kaya ang apelyidong ginagamit na noon ay Skarne.

Ikinasal si Cloie sa kanyang boyfriend na si Fredrik Hill sa isang chapel sa Stockholm. Wala namang sinabi tungkol kay Gabby dahil tila wala na rin namang contact iyon sa ngayon sa iba niyang anak, lalo na nga sa anak na ikinasal.

Si Cloie gaya ng kanyang ina ay naging model din sa Sweden at naging beauty queen pa. Sa lahat ng pagkakataon ipinapakita ni KC ang suporta niya sa kanyang kapatid.

Lagi namang ganoon si KC, matibay ang kanyang relasyon sa mga kapatid sa ama.

Close rin siya kay Garie na anak ni Gabby kay Grace Ibuna, at ganoon din sa dalawang maliliit pa niyang kapatid na sina Samantha at Savannah, na anak naman ni Gabby sa kasalukuyang asawang si Genevieve.

Para ngang si KC ang tumatayong tulay sa kanilang magkakapatid, magkakaiba man sila ng ina.

Si KC ay close rin naman sa mga nanay ng mga kapatid niya. In fact sa kanyang post, nagpasalamat pa siya kay Jenny at sa asawa noong si Filip Skarne dahil sa napakagandang pagtanggap ng pamilya sa kanya, kaya sinasabi niyang nadama niyang “I’m part of the family.”

Si Gabby, sinasabi niyang pangarap niyang dumating ang isang araw na mapagsasama-sama ang lahat ng kanyang mga anak. In the meantime, si KC muna ang nagtutulay sa kanyang mga kapatid. Puro babae ang anak ni Gabby.

Phillip, multiple organ failure ang kinamatay

Marami ang nagulat sa pagkamatay ng komedyanteng si Phillip Lazaro. Gaya ng maraming comedians natin, nadiskubre si Phillip bilang isang stand-up comedian sa comedy bars noong araw, lumabas sa telebisyon, nakasama sa mga pelikula at nakakapagdirek na rin.

Multiple organ failure ang sinasabi ng kanyang pamilya na dahilan ng kanyang kamatayan sa edad na 52 lamang.

Hindi naman maliwanag kung ano ang naging dahilan ng organ failure niya. Siya ba ay na-stroke o may diabetes, hindi na natin alam.

Pero ang pinag-uusapan nga, napakabata pa ni Phillip para pumanaw.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media mula sa mga personalidad sa showbiz.

Newcomer, hindi nagpadala kay Direk

Nang makita raw ni direk ang isang newcomer sa social media, talagang ipinahanap niya iyon. Pinapunta sa kanyang bahay para makita niya nang personal, at mukhang nagustuhan kaya pinangakuang pasisikatin at papipirmahin ng contract sa isang film company.

Pero bago raw pumirma ng contract, kaila­ngang magpunta ang poging newcomer sa bahay niya araw-araw, para “mai-workshop” niya bago ang project.

Nagduda naman si newcomer sa talagang motibo ni direk kaya hindi na nagbalik.

Nagsawa na kaya si direk sa artista rin niyang boyfriend niya ngayon?

CLOIE SKARNE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with