Zsa Zsa, ‘di pa rin limot si Dolphy!
Nag-share si Zsa Zsa Padilla ng kanyang photo sa puntod ni Comedy King na isang dekada na palang namayapa.
Naalala ko na sa Makati Med pa dinala si Mang Dolphy noon at inabot ng P7 million ang hospital bill nito pero ang kuwento noon ni Eric Quizon, isa sa mga anak ni Mang Dolphy, discount lang ang hinihingi nila kay Mr. Manny Pangilinan noon pero nang magbabayad na raw sila, sinabing na-settle na ang bill.
Ang mahal daw kasi ng gamot ni Mang Dolphy noon.
Pero lahat pala ‘yun ay 10 years na at kahapon ay nag-alay ng dasal ang ang Divine Diva na hindi nakakalimot kay Mang Dolphy. “10 years. Seems like only yesterday when we lost you, but the joy you’ve given will be in our hearts forever. Dolphy, you are greatly missed. Thank you. Please say a prayer for Dolphy’s 10th year death anniversary.”
- Latest