Tali, hinuhulaangnext child wonder Take I
Bongga naman ‘yung gagawing comedy show nina Vic Sotto, Tali at Pauleen Luna.
Mukhang namana ni Tali ang pagiging comedian ng father na si Vic dahil marami siyang antics na nakakatawa.
Sure ako na stage lola dito si Mommy Chat, ang mother ni Pauleen, na talagang love na love ang apo.
Isang bagay masasabi mo kay Tali, kaya ganun ka-confident ang bata dahil ang dami ng nagmamahal sa kanya. Surrounded by love kaya bata pa, bibang-biba na.
Wait for Tali, the next child star na magbibigay ningning sa showbiz.
Mahusay magdala ng problema...
Parang comedy naman pati buhay ni Pokwang, Salve. Tinatanong pa lang ng marami kung sino ang ama ng kanyang anak na mestiza, hiwalay na pala agad sila. Hindi mo tuloy alam kung ano ba ang background story ng lovelife niya dahil hayun, wala na. Pero dahil mahirap din para sa isang babae na ma-in love, magkaanak at tapos mahiwalay, we feel for Pokwang.
Mahirap ding magpalaki ng mga anak, lalo na ngayon na medyo mahirap ang buhay at hindi gaanong busy ang showbiz. Pero mukha namang mahusay magdala ng kalagayan niya si Pokwang kaya tiyak na papasa siya sa mga pagsubok na darating sa buhay niya. For sure, mapapalaki niya nang mabuti ang mga anak niya.
- Latest