^

PSN Showbiz

Benjamin, naniniwala sa Sukob

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Benjamin, naniniwala sa Sukob
Benjamin Alves.

Naniniwala si Benjamin Alves sa kasabihang masama ang sukob o ang pagpapakasal ng magkapatid sa iisang taon.

Ayon sa Kapuso actor, bagama’t wala pang ganung pagkakataon sa kanila pamilya pero : “Kind of. Thankfully, hindi pa siya nagiging problem sa family namin,” aniya sa isang interview.

Naungkat ito dahil bibida si Benjamin sa fresh episode ng Magpakailanman na pinamagatang Kutob Ng Sukob : The Andoy and Anabelle Delposo Story na mapapanood ngayong Sabado ng gabi, 8:15 p.m.

Pamahiin sa mga Pilipino ang sukob.

Oras daw na gawin ito ng magkapatid, mara­ming hindi magandang pangyayari ang magaganap.

Nang kumustahin ang girlfriend niyang si Chelsea Robato at kung may plano na silang magpa­kasal?

“Ahhh, will just have to wait na lang po,” sagot ng actor na naghihintay pa ng bagong assignment sa GMA 7.

Makakasama niya sa nasabing episode sina Faith da Silva and Claire Castro.

Hindi ito ang unang MPK guesting ng actor.

Kaya’t thankful siya na lagi siyang nabibigyan ng challenging role sa programa ni Ms. Mel Tiangco.

 

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with