Sobrang pag-iisip, mas lalong nakaka-nega!
Talagang totoo ‘yung kasabihan na think old, you feel old, think young, you feel young.
Kasi mostly lahat ng nadarama mo, nasa isip mo lang. Totoo ‘yung listen to your body, pero kadalasan ‘pag konti lang naman ang problema dahil sa iniisip mo na nega, nagiging malaki iyon.
Basta always think positive, have a brighter look at makikita mo, gaganda ang paligid mo.
Life is always a mystery kaya huwag mo nang piliting alamin pa ang mga bagay na hindi mo maarok, just go with the flow, mas magaan pa.
And never lose hope, habambuhay tayo laging may pag-asa, laging maayos ang lahat. God is good, all the time.
Pat-P, kinaiinggitan sa pagku-cruise
Sarap naman ni Pat-P Daza dahil mag-cruising siya talaga sa biyahe niya with Keren Pascual. Ewan ko pero hindi ako nag-e-enjoy sa cruise dahil siguro takot ako sa dagat lalo ‘pag gabi na maririnig mo ang malakas na alon nito.
Masaya dahil 24 hours ang buffet, iba ang scenery, pero siguro nga, personal type mo ang travel na ginagawa mo.
At maganda para sa mga single ang cruising dahil habang nasa dagat kayo nakikilala mo ang ibang mga pasahero, bongga! Puwede kang mag-hunting ng papa at mama, hah hah hah.
Nami-miss ko na tuloy ang traveling, pero sa panahon ngayon ang dami nang restrictions para kasing hassle ang magbiyahe.
Pero bon voyage kay Pat-P, sure ako enjoy siya at maraming kuwento pag-uwi ng Pinas, at ang pasalubong ‘wag kalimutan.
- Latest