^

PSN Showbiz

Tirso bagong chair ng FDCP, Johnny Revilla uupo sa MTRCB!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Tirso bagong chair ng FDCP, Johnny Revilla uupo sa MTRCB!
Tirso
STAR/ File

Kamakalawa pa pinag-uusapan ang pagtatalaga kay Tirso Cruz III bilang bagong chairman ng Film Development Council of the Philippines.

As of presstime, inaabangan ang oath-taking ni Pipo para makumpirmang siya na nga ang bagong chairman ng naturang ahensya.

Napag-alamang matagal na pala siyang napili noon, pero sa ‘di malamang kadahilanan, hindi siya natuloy.

Lumipas ang dalawang presidente, hindi natutuloy ang naturang appointment sa kanya.

Ngayon lang natuloy, at marami naman ang natuwa dahil noon pa raw ito deserved ni Pipo.

Kaagad naman naming ipinarating kay Madam Liza Diño-Seguerra para hingan namin ng reaksyon.

Gusto sana naming malaman sa kanya kung nag-resign ba siya. Kasi alam naman natin, pagpasok ng bagong administrasyon automatic na mag-resign na ang lahat na nakaupong cabinet officials at iba pang may posisyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Wala pa naman daw alam si Ms. Liza sa mga nangyayari.

Tuloy pa rin siya sa trabaho niya sa FDCP, at marami pang naka-line up na projects. “I haven’t heard of anything. The agency is operating status quo because my reappointment is a term position.

“Till 2025 pa siya officially so waiting lang kami for a courtesy call with our President so we can align with his vision,” text ni Ms. Liza sa amin.

In-attach ni Ms. Liza ang sulat mula sa Malacañang na pirmado ng dating pa­ngulong Rodrigo Duterte. Nung March 4 ng taong ito pa na-issue ang naturang sulat.

Bahagi sa sulat na ‘yun; “Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed CHAIRPERSON, FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES, for a term of three (3) years.”

Pero aware naman si Ms. Liza na kung ano ang desisyon ng bagong pa­ngulo ng bansa, ‘yun ang masusunod.

Maraming nagawa si Ms. Liza sa FDCP para sa movie industry, pero malaki ang kumpiyansa naming may magagawa si Tirso para sa ating industriya, at mas maraming filmma­kers ang natutuwa sa pag-upo ng magaling na aktor para sa FDCP.

Hanggang  sa nai-submit namin ang column na ito, wala pa ring update kung nakapag-oath taking na si Pipo.

Tinanong uli namin si Ms. Liza sa update, hindi naman daw sumasagot si Tirso sa tawag niya at naghihintay na rin daw siya sa tawag.

Pero kinumpirma na sa amin ni Sen. Jinggoy Estrada na tuloy na raw si Tirso sa FDCP bilang bagong chairman.

Samantala, ang aktor na si Johnny Revilla naman ang uupong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Papalitan niya sa posisyon si Chair Je­remiah Jaro.

Ruru, sulit ang paghihintay sa Lolong

Congratulations sa lahat na bumubuo ng bagong adventure-serye ng GMA 7 na Lolong, sa mataas na rating ng pilot nito na nagsimula nung Lunes, July 4.

Nasa South Korea si Ruru at nagti-taping pa sa Running Man Ph. Hiningan namin siya ng reaction sa magandang feedback at mataas na rating ng naturang series.

Nagpa-thank you si Ruru sa lahat na sumuporta.

Ang laki ng pasasalamat niya na nasulit ang lahat na hirap nila at tagal na paghihintay hanggang sa natapos ito.

Sa totoo lang, proud si Christopher de Leon sa Lolong at impressed siya sa magandang kuwento at pagkakadirek nito.

TIRSO CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with