^

PSN Showbiz

Dingdong, binuko ang pagkaadik ni Marian sa Koreanovela

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dingdong, binuko ang pagkaadik ni Marian sa Koreanovela
Marian
STAR/ File

Natawa ako nang marinig ko na sinabi ni Dingdong Dantes na addict din sa Koreanovela si Marian Rivera.

Knowing Marian tiyak na gusto niya talaga ‘yung mga rom-com ng Korea at sure akong type niyang gawin nila ni Dingdong ‘yung ibang napanood niya.

Kahit nga si Bong Revilla curious na rin kung ano ba ang nagugustuhan ko sa mga Koreanovela at natatagalan kong panoorin ang isang serye ng buong araw.

‘Kaloka talaga ang naging addiction ng marami sa mga istorya na ginagawa ng Koreans.

Siguro kung natuloy noon na gumawa ng Korean movie / series si Kris Aquino, bonggang-bongga na ngayong nasa height ang mga Koreanovela siya ang unang nagka-project sa Korea.

Hindi pa kasi sikat noon ang mga Korean showbiz, kaya hindi namin pinansin ang producers na pumunta pa rito para kausapin si Kris.

Sana una namin naka-rubbing elbow sina Jo In-sung at Song Joong-ki.

Talagang hindi mo masabi ang darating. Now, Korea na ang nasa top of the lists.

Vilma, mahusay parang perpekto!

Sana nga may magawang project as director si Vilma Santos sa pagbabalik showbiz niya. Dahil pahinga muna sa politics si Vilma, gusto sana niyang subukan ang magdirek ng isang project.

At siguro better kung kasama niya si Luis Manzano.

Ang husay magdala ng trabaho ni Vilma, nag-excel siya bilang artista at pulitiko. Nagampanan niya rin nang mahusay ang pagiging mother and wife.

Parang isang perfect na babae kung susumahin mo ang mga nagawa niya. Kaya naman idolo siya ng marami, hindi lang sa pelikula, kundi sa pulitika.

Tatak Vilma Santos ang magandang ehemplo ng isang artista na ok sa showbiz at ok din sa pelikula.

VILMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with