^

PSN Showbiz

EB, sumugod sa Zamboanga del Norte

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
EB, sumugod sa Zamboanga del Norte
EB
STAR/ File

Sumugod sa Zamboanga del Norte ang Eat Bulaga Dabarkads kahapon bilang bahagi ng anniversary celebration ng programa bilang longest running noontime show!

Nakita naming kasama sa unang out of town episode ng EB ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna, Allan K, Ryan Agoncillo, Paolo Bal­lesteros, Maine Mendoza, Wally Bayola, Jose Manalo pati na ang bagong pasok na sina Maja Salvador at Miles Ocampo. Hindi pa namin nakikita si Alden Richards as of this writing.

Balwarte na rin ng Bulaga ang Zamboanga del Norte na ilan beses nang nakapag-show roon bago ang pande­mic. Sa Zamboanga del Norte Sports Center and Convention sila nag-show na dinumog ng mga tao.

Ang Sugod Probinsya ng Eat Bulaga ang bagong segment na magbibigay saya at tulong sa taga-probinsiya!

Happy, happy anniversary, Eat Bulaga!

Alden at Sue, matagal magsasama sa Amerika

Kasama si Sue Ramirez sa poster ng ForwARd concert ni Alden Ri­chards sa ilang bahagi ng Amerika.

Sa Sept. 3 ang kick off ng documentary concert ni Alden sa San Mateo, California. Kasunod nito ang concert sa Sept. 4 sa Valley Center, California.

Sa Sept. 10 ay taga-Chicago, Illinois naman ang concert at sa last leg sa Sept. 10 ay sa Jacksonvile, Florida.

Sa mga kababayan natin sa Amerika, abangan si Alden sa dates na ito!

EB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with