^

PSN Showbiz

Jona at Morissette, maraming ‘marites’ moments

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jona at Morissette, maraming ‘marites’ moments
Jona.

Mula sa pagi­ging Jukeboss ni Jona sa Sing Galing ay makakasama rin ang singer sa mga Jukeboss ng Sing Galing Kids.

Mapapanood na ito sa TV5 tuwing Sabado ng gabi simula July 16. Tatlong taong gulang pa lamang daw noon si Jona nang magsimulang kumanta. Para sa dalaga ay talagang maibabahagi niya sa mga batang contestants o Sing Kulits ang kanyang mga kaalaman sa pagkanta. “Ang naalala ko 3 years old pa lang ako no’n pinakakanta na ako ng parents ko sa church namin sa Marikina. ‘Yung father ko guitarist tapos ‘yung mom ko naman vocalist din. Then sumasali ako sa singing competitions. So naiintindihan ko na ngayon kung paano ko isi-share or isu-support ‘yung kids natin. Kumbaga, pagbibigay ng tips para mas ma-improve pa nila ‘yung singing nila. Siyempre this time around gusto ko ipakita na very supportive ate ako sa kanila. So nandiyan ako to really cheer for them,” nakangiting pahayag ni Jona.

Ayon sa singer ay kaabang-abang at dapat panoorin ang Sing Galing Kids dahil sa mga batang siguradong kagigiliwan ng lahat. “’Yung mga kids kapag kumakanta napaka-fearless nila. Talagang sa pagiging isang bata pala nag-uumpisa lahat ‘yung gift na singing. May mga witty din tapos ‘yung charm din na binibigay nila kaya kapag nagpe-perform sila parang mado-drawn ka din sa kanila. Nakaka-good vibes, nakaka­lambot ng puso, nakaka-happy. ‘Yon ‘yung nabibigay nila for me, nakaka-happy,” pagdedetalye ng Fearless Diva.

Naging Jukeboss si Jona sa Sing Galing nitong taon lamang. Napapanood ang Sing Galing sa TV5 tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 6:30 p.m.

Napapanood na rin ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang programa sa pamamagitan ng TFC o The Filipino Channel.

Isang magandang karanasan umano para kay Jona na makatrabaho sina Rey Valera, Ethel Booba, Ronnie Liang at ang mag-asawang sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa Sing Galing. Ngayon naman ay sina Morissette at Gloc-9 ang mga bagong makakatrabaho ni Jona bilang mga Jukebosses para sa Sing Galing Kids. “Sa Sing Galing sobrang nag-e-enjoy naman ako sa experience do’n kasama sina Sir Rey, Ms. Jessa, Sir Dingdong, Ate Ethel and Ronnie. But this time sa Sing Galing Kids, looking forward din ako sa bago nating makakasama like sina Mori and Kuya Gloc 9. Of course si Mori matagal ko na siyang nakakasama sa ASAP. Marami na rin kaming mga performances together. So somehow kilala na namin personality and character ng isa’t isa. May rapport na kami tapos may mga marites moments din kaming dalawa. Si Kuya Gloc naman, this is the first time makakasama ko siya. Kumbaga makakatrabaho ko siya in a very close environment. Looking forward din talaga ako na mabahagian niya ako ng knowledge, mga experiences sa buhay. Napakalalim niyang tao. Na-excite ako sa mga ibabahagi niya na kwento, mga personal na kwento. Matagal na rin kaming nagkakasama sa ibang events pero ito talaga ‘yung unang beses na close kami na makakapagtrabaho,” paglalahad ng singer.

Bukod sa pagkanta ng mga batang contestants ay dapat ding pakaabangan ang iba’t iba pang talentong ipa­mamalas sa Sing Galing Kids. “Sobrang nakapagbigay sila ng joy. Hindi lang singing ‘yung nai-offer nila sa atin kundi napakarami din nilang alam na talents like dancing, storytelling, declamation. Parang nakaka-surprise kasi hindi lang pala singing ‘yung kaya nilang gawin,” pagtatapos ni Jona.

(Reports fron JCC)

JONA

SING GALING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with